Kahit Kaalyado ng Palasyo, ‘Di Lusot sa Pork Barrel Scam

TINIYAK NG Palasyo na walang sisinuhin sa pagsisiyasat kaugnay sa pork barrel probe.

Ito ay sa harap ng naiulat na CoA report na nagsasabing 15 kaalyadong mambabatas ng administrasyon ang damay rin.

Una nang lumabas ang pangalan ng mga taga-oposisyon kaya’t pinagdududahang politically-motivated ang rebelasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lahat ay sisiyasatin at walang pagtatakpan.

Sinabi ni Lacierda na walang kinalaman sa pulitika ang imbestigasyon ng NBI at nakadepende ito sa makakalap na ebidensya.

Una nang inihayag ng Pangulong Noynoy Aquino III na taliwas sa paniwala ng mga kritiko, may ginagawa sila hinggil sa naturang scam.

“Well, I don’t know the… what the whistleblower stated. But I can tell you what the President stated: This travesty will be investigated and we will investigate it no matter where the evidence will lead. That’s the very… that’s from the President itself. So wherever we are… wherever we are guided by the evidence, we will pursue that. We will investigate this whole thing from top to bottom,” ani Lacierda.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.