Kahit ilang beses pang mag-apologize Jake, malabong mapatawad ni Melissa?

 

MATAPOS MAUWI SA hiwalayan ang relasyong Jake Cuenca at Melissa Ricks, tila masakit pa rin sa dalaga ang nangyari at hindi pa rin maka-move on sa naging break-up nila ni Papa Jake.

Hindi pa raw handang makatrabaho ng young actress ang kanyang dating dyowa at humihingi rin ito ng ‘respeto’ kay Jake na ang akala ng ibang mahadera eh, ang ginawang pagsama ng lolo n’yo kay Lovi Poe sa nakaraang Star Magic Ball.

Patuloy pa rin ang paghingi ng apology ni Jake kung nasaktan man daw niya si Melissa at hinihiling na na sana raw isang araw ay maging magkaibigan silang muli ng dating kasintahan.

“Right now, patience is a virtue,” ayon sa aktor. Hmmm… may mapuntahan kaya ang paghihintay na ito dahil maraming nagsasabi na malabo pa itong mapatawad ni Melissa.

Hindi namin masisisi ang dalaga dahil malalim nga naman ang sugat at matatagalan pa bago ito tuluyang maghilom. Meganon talagang peg? Hehe!

Photos by Ricky Agapito, Mark Atienza and Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Kahit ilang beses pang mag-apologize Jake, malabong mapatawad ni Melissa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.