Kahit ilang araw nang nakapag-shooting Pelikula nina Bea Alonzo at Derek Ramsay, ‘di na tuloy!

BAGO TULUYANG lumipat si Derek Ramsay sa TV5, ilang araw na raw itong nakapag-shooting ng kanyang bagong pelikula sana para sa Star Cinema, kung saan katambal nito muli si Bea Alonzo.
Pero gaano katotoo ang tsika na nakarating sa amin na hindi na diumano tuloy ang balik-tambalan sana nina Derek at Bea sa big screen since exclusive contract star na nga ng Kapatid Network ang aktor?
As of writing this, knows na raw ng tinaguriang Universal Leading Man ang balitang ito, at management decision diumano ang nangyari kung kaya’t hindi n’ya na raw kailangang tapusin pa ang naumpisahan na n’yang pelikula, ayon sa aming very reliable source.
May ilang araw rin daw bago pumirma ng kontrata si Derek sa TV5 ay ginarantiya diumano nito ang isang executive ng ABS-CBN na hindi raw n’ya lilisanin ang istasyon na lalong nagpasikat sa kanya, dagdag pa ng aming source.
At dahil dito, how true na si John Lloyd Cruz na diumano ang muling makakatambal ni Bea sa naunsyaming movie project nito with Derek na magsisilbing reaunion movie rin nilang dalawa after their last movie hit, Miss You Like Crazy?
Pero kung si Lloydie na nga ang makakapareha ni Bea, baka magawa pa ng aktor ang nasabing pelikula pagkatapos ng kanyang reunion movie rin with Sarah Geronimo.
Ang maaaring gawin naman daw na pelikula ni Derek ay ang para sa Viva Films, kung saan makakasama n’ya ulit si Anne Curtis at si KC Concepcion.
May mga nagtatanong tuloy ngayon kung ano ang (o mayroon bang) epekto ng pagiging Kapatid star na ng Box-Office King na si Derek sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban na isang homegrown Kapamilya star?

WISH DAW pala ni Anne Curtis na awitin ang theme song ng ginagawa nitong teleserye with Kris Aquino at Robin Padilla na Kailangan Ko’y Ikaw.
Natawa na lang daw ang reaksyon ni Kris sa hiling ng kanyang co-star at kaibigan at nagbiro na baka hindi ito makapag-concentrate sa pag-arte kapag narinig nito ang boses ni Anne sa scoring habang nagte-take.
Ang balita namin, maaari nang umere ang teleserye ng tatlo once na makapag-can sila ng five-week episodes.
Lagare pa rin sa trabaho ang bagong endorser ng Cherry Mobile na makakapagbakasyon lang sa Europe daw ulit with her friends and probably with her boyfriend, Erwan Heussaff, in July.
Pagbalik daw ni Anne from her two-week vacation in Europe, mag-uumpisa na itong mag-shooting ng kanyang next film for Viva Films with Derek Ramsay and KC Concepcion.
Bukod sa mga ito, we heard, may napakalaki pang proyekto ngayong taon na ikagugulat ng lahat ang nakalaan sa isa sa Box-Office Queen ng 2011 na si Anne. Abangan!

PERSONAL: BUONG puso po kaming nagpapasalamat ng   aking pamilya sa lahat ng nakiramay sa pagkamatay ng   aking Tito at Tita na sina Leopoldo at Myrna Tiongco Simeon, lalo na kina Tita Ethel Ramos, Tita June Rufino, Mama Jobert Sucaldito, Gov. ER Ejercito ng Laguna, Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong City, Mayor Herbert Bautista ng Quezon City, Tates at Tihne Tin Gana, Philip Rojas at Tito Boy Abunda, at Rizal Gov. Jun at Andrea Bautista-Ynares.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

12 thoughts on “Kahit ilang araw nang nakapag-shooting Pelikula nina Bea Alonzo at Derek Ramsay, ‘di na tuloy!

  1. for sure hanggang sa pera na lang si derek ramsay, for sure laos na yan sa tv5. box office king to flopsina king.

  2. hahahah, hanggang dito ba naman umaatake pa rin si balugz?  ay! siya yata yung hinalikan ni angel locsin doon sa summer ID ng ABS, tingnan niyo, hehehe..

  3. Nagkakalat din pala dito si Ateng Balugz, the immortal stalker of the multi-awarded, box-office queen, ahihihi..

  4. ANG PANGET NI DEREK RAMSAY MAS BAGAY SILA NI ANGHIT POKSIN NA BALUGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  5. Dapat itambal si Gerald at Bea. Baka makatulong kay Bea. Halatang hindi na siya gaano kainit sa mga tao. Pati si Gerald. Totoo talaga na ang buhay ay weather weather lang! Hindi ba Kim?

Leave a Reply

Your email address will not be published.