Kahit hirap sa Tagalog
Sam Milby, performance level ang acting sa serye

BLIND ITEM: Dumating sa taping ng kanyang serye ang young actor nang nakatsinelas.

In fairness, ma-PR naman sa crew, sa staff at sa mga kasamang artista ang young actor, pero hindi naman ‘yon ang issue.

Halos lahat ay napapatingin sa gawing ibaba ng kanyang katawan – sa bandang paanan – na nakapukaw ng atensiyon ng mga staff.

Bulong ng isa, “Tingnan mo ‘yung paa nu’ng isang crew. Tapos, tingnan mo ‘yung paa ni ____.

“Ngayon, pagkumparahin mo ang paa nila, kanino ang mas malinis?”

Juice ko, ang dumi raw ng kuko sa paa ng young actor. Parang puwede na raw tamnan ng kamote ‘yung lupa sa ilalim ng nails nito.

“Saka ‘yung paa, Papa O, ‘yun mismo ang marumi. Hindi man lang ipa- foot scrub eh, artista pa naman siya, ‘di ba?

“Pinagtsitsismisan tuloy siya sa set.”

Meron pang isang reklamo sa young actor. “Sana, minimize niya ang smoking. Grabe! Ang itim na ng bibig niya at pati gums niya, umiitim na rin.”

Oh, well…  sana nga mabasa ito ng young actor kung totoong may kuwenta sa kanya ang reklamong ito ng mga kasamahan niya.

 

“HI, KUYA Ogie! Me mini-presscon ako para sa bagong season ng Moments na co-produced ko. Sana support mo naman ako bilang bagong produ. Ang guests ko for this season ay celeb couples like Juday-Ryan, Sen. Grace Poe-husband Mr. Neil Llamanzares, Sen. Bong Revilla & Congresswoman Lani Mercado at iba pang celeb couples.”

Kabuntot na du’n ang pakiusap ni Gladys na “for the love” lang ang pagtulong namin sa kanya.

Sabi nga namin sa aming kumare, kahit kelan ay hindi namagitan ang pera sa aming friendship.

And honestly, natutuwa kami sa kumare naming ito dahil “business-minded” na rin siya ngayon.

 

IN FAIRNESS to Sam Milby, kahit hirap siya sa Tagalog ay hindi naman nagsa-suffer ang kanyang character at performance sa “Huwag Ka Lang Mawawala” bilang “unpredictable” na asawa ni Judy Ann Santos at hinahabul-habol ng kababatang si KC Concepcion.

Maging ang pagkasunud-sunuran niya kay Tirso Cruz III bilang anak ay ramdam mong wala siyang choice.

Sana lang talaga ay pag-igihan ni Sam ang pag-aaral ng pananagalog para mas lalong maintindihan ng mga fans ang kanyang dayalog.

O kaya eh, magpiprisinta na kaming Tagalog coach niya para mapabilis ang pagkatuto niya.

Hindi namin hihingin ang kanyang katawan bilang kabayaran. Dahil kumpare namin siya sa third daughter namin.

Kaya ang hihingin na lang namin ay ex-deal.

Tuturuan namin siyang managalog. Tapos, tuturuan naman niya kaming mag-Ingles.

Hahahaha! Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

6 thoughts on “Kahit hirap sa Tagalog
Sam Milby, performance level ang acting sa serye

  1. ang tagal na sa showbiz nitong si Sam, baluktot pa ring mag tagalog, kaya walang nangyayari sa career, sabi ng press release niya, may hollywood dream siya, ano ng nangyari dun, pumunta ba talaga siya sa holywood, baka sa San fernando valley lang siya nakapunta, pwede rin siyang maging artista dun,,,mga X rated nga lang magagawa niyang pelikula.

  2. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

  3. Jake Cuenca yan 100 percent sure. Chain smoker kasi si Jake kaya maitim ang labi at gilagid. Laging nasa blind item yan ni Ogie na “kwenta” ang clue.

    • PWEDENG SI JAKE CUENCA DAHIL LAGING LAMAN SYA NG MGA B.I. ABOUT “HALITOSIS.” KASO, YOUNG ACTOR DAW. YOUNG PA BA SI JAKE? ISA RING ACTOR NA NAPABALITANG AMOY ALIPUNGA ANG PAA EH SI JOHN PRATTS, KASO, DI NA RIN YOUNG YUN. SI ENRIQUE GIL, BALITANG MAKYOHO RIN ANG PAA AT PAWISIN PALAGI KAYA SA ASAP, LAGING BASA ANG KANYANG UNDERARM. KASO, NANINIGARILYO BA SYA? SI DANIEL PADILLA, NABALITANG NANINIGARILYO, PERO MERON BA SIYANG TELESERYE NGAYON? AY, AMBOT! HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.