Kahit hiniwalayan na si Cesar
Sunshine Cruz, aminadong mahal pa rin ang mister!

HABANG NAKAUPO lang kami sa favorite donut house tambayan namin na malapit sa dating Pantranco bus station sa Quezon Ave., napapangiti na lang kami sa mga ginagawa ng mga bagets – lalo na ng mga high school girls in their uniform kung saan palagi sila nagpapakuha ng picture sa life-size standee ni Derek Ramsay na may hawak na donut na handang isubo anytime.

Pero ang nakakatuwa, bukod sa kunwari ay kinakagat ng mga girls ang donut na hawak ng sexy hunk, always at walang palya, palagi nilang hinahawakan ang “butt” at “that thing between his legs” na walang takot na mag-pose habang kinukunan ng kanilang cellphone camera.

Since the time na naging endorser nila ang aktor. Hindi pa inaabot ang midnight, ubos na ang mga paninda nila. Kuwento nga ng shift manager sa amin, naging triple ang sales nila na ikinatutuwa naman ng mga working student service crews nila dahil may incentives ang mga ito kapag maganda ang benta nila at may take home pa silang donut pauwi.

Nice to learn na ang kamachohan ni Derek, nakatutulong pala nang malaki sa mga part-time students ng ineendorso niya.

 

NO DOUBT, isang box-office superstar si John Lloyd Cruz. Kahit kanino mo ipareha, siguradong patok sa takilya. Ilang beses na niya itong pinatunayan.

Kung dati-rati’y babae ang nagdadala ng pelikula (what we mean ay humahakot ng manonood); kung hindi kami nagkakamali, sa liga ng mga male actors na kasabayan niya, walang duda na siya na nga. Just like sa punchline ni Boy Abunda sa Bandila – “John Lloyd, ikaw na!”

Kung hindi ako nagkakamali, ang pelikulang It Takes a Man and a Woman ni Direk Cathy Garcia-Molina ay pangatlong pagtatambal nila ni Sarah Geronimo na for the past films na pinagsamahan nila, nakabuo ng sariling following ang dalawa.

Kaya nga right after the Holy Week (come March 30) malamang sa hindi, hahakot na naman sina JLC at Sarah ng pera sa takilya with their latest movie.

Aminado naman ang Star Cinema na basta’t tambalan ng dalawa, walang sablay sa takilya.

 

WE WITNESSED former sexy star Marissa del Mar’s event at the Casino Filipino Paranque’s Buhay-OFW (her regular show on Aksyon TV every Saturday night, Mr. and Ms. Citizens of the World  competition giving honor to outstanding Pinoys working overseas last Thursday evening.

Pero naloka yata kami sa dinaluhan namin. At first I thought isa itong beauty contest or talent search the fact the title of the event was peg to the usual Mr and Ms. Something competition.

‘Yun pala, it’s a search for her show’s outstanding Filipino indivi-duals working overseas.

Out of 13 pre-screened competitors from different parts of the World (Middle East, Italy, Hong Kong, etc.) nagmumula ang mga sumali kung sino man ang tatanghaling Mr. and Ms. Citizens of the World (off na off ang title ng search para sa amin, huh!).

Some of the contestants were present but mostly, those who joined the competition ay wala at may VTR intro lang na ipinapakita kung saan represented naman sila ng mga mahal nila sa buhay na nandirito sa Pilipinas.

Anyway, nice to hear na ang dating sexy star ay nag-level up na at nag-iba na ng linya. She produces and host her own show and interviews dignitaries like foreign ambassadors at kung sinu-sino pa na mahahalagang tao sa ating lipunan at sa ibang bansa.

Recently, Marissa was in Istanbul, Turkey to attend a gathering of personalities from the labor sector.

 

MUKHANG NAKA-MOVE on na si Sunshine Cruz mula sa mister niyang si Cesar Montano.

She’s now seen sa mga showbiz functions with a smile, na dati-rati’y hindi mo siya napagkikita kung saan-saan.

At a recent showbiz event, she was proud to share a personal information na nakahanap na siya ng bagong tirahan kasama ang tatlo niyang “Maria”.

Naibalita rin ni Sunshine na tuloy ang pag-aasikaso ng lawyer niya para sa annulment nila ng dating mister.

Pero aminado siya na mahal pa rin niya si Cesar after what happened. “Siya ang first love ko. Hindi ‘yun madaling mawala at makalimutan.”

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

4 thoughts on “Kahit hiniwalayan na si Cesar
Sunshine Cruz, aminadong mahal pa rin ang mister!

  1. SI POPOY NAMAN TLG KASI ANG PINAKAMAGALING SA MGA ACTORS NGAYON. JUICE MEH, PAG UMAKTING NA ANG LOLO MOH, WALA NA, QUIET KA NA LANG. ABA, SA ONE MORE CHANCE, KALOWKAH! NATURAL NA NATURAL ANG LOLO HABANG SUMISIGAW NG “PUTANG INA NAMAN BASH! GANYAN KA BA KATIGAS!!! MAHAL NA MAHAL KITA…AT ANG SAKIT SAKIT NA!!!” HOMAYGASH! AT PATI UMARTENG BEKI SA “IN MY LIFE”, GRABE ANG LOLO NYO! MAGALING DIN SI FAFA FI PERO SAPAW NA SAPAW SYA SA GALING NI JLC. SI ECHO, NAGING OA NA UMARTE. SI DIET NAMAN PARANG NAG REGRESS AT AMATEURISH ANG DATING. WELL, SANA LANG WAG MALULONG SA ALAM NYO NA. ANG MGA MAHUHUSAY KASING AKTOR AT AKTRES, MAY MGA DEMONS YAN EH. 

    • bakit hindi mo sinama sa magagaling na aktor si coco martin? hehe! magaling naman ang lolo mo ah… magaling talaga si jlc mapa-drama o comedy, si mamapi este papafi magaling pa rin pero parang walang bago, si echo magaling rin naman kaso tama ka minsan nagiging OA, si diet naman parang si papafi walang bago….

Leave a Reply

Your email address will not be published.