KAHIT HINDI MAHILIG SA HORROR: Beauty Gonzales, bibida sa ‘Hilakbot’

Beauty Gonzales

ITINUTURING ni Beauty Gonzales na isang malaking challenge ang pagbibida niya sa horror film ng BG Productions na Hilakbot.

“First time ko to do horror and malaking challenge ito kasi nga challenge talaga na takutin yung mga tao na hindi sila matatawa sa akin. Kasi baka matawa sila pagka nagsalita na ako. So, exciting siya instead of natatakot ako,” reakyon ng aktres na napapanood din sa afternoon series ng ABS-CBN na Kadenang Ginto.

Fan ba siya nga mga horror movies?

 “No. Ayoko ng horror,” pag-amin pa niya. “You can never  let me go to a film na horror. Kaya nga sabi ng asawa ko manood na raw ako kahit isa lang. I mean, I’ve seen before pero talagang nagtatago ako.

“At saka, why will I pay something to scare me? I don’t wanna be entertained that way. Ang gusto happy lang or iyak, okey, drama. Pero I wouldn’t pay something to scare me, yon yung sa akin, ha,”  katwiran pa ng aktres.

Kasama ni Beauty sa Hilakbot sina Enzo Pineda, Polo Ravales, Ariella Arida at marami pang iba.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Joey Romero.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.