Kahit Hinaharang; Luisita Distribution, Tuloy

WALANG MAGIGING pagbabago sa nagpa-patuloy na distribusyon ng lupa sa Hacienda Luisita sa kabila ng inihaing omnibus motion sa Korte Suprema ng ilang magsasaka.

Sinabi ng grupong Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA) na kwestyunable ang basehan ng isinagawang land survey.

Mali rin umano ang pamamaraan ng tambiolo raffle at maging ang iba pang prosesong ginagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon naman kay DAR Sec. Virgilio delos Reyes, dumaan ang kanilang mga pamamaraan sa konsultasyon at sinisikap din nilang sundin ang nilalaman ng kautusan ng korte ukol sa pamamahagi ng lupa.

Wala silang nakikitang rason para ihinto ang pagkakaloob ng lupa upang matapos ito sa lalong madaling panahon, giit ng kalihim.

Samantala, agad umano nilang ititigil ang distribusyon ng lupa kung ipag-uutos ito ng kataas-taasang hukuman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.