Kahit hanggang friendship lang talaga
Kakai Bautista, aminadong bet si Mario Maurer!

NAKATSIKAHAN NAMIN ang matagal nang kaibigan ni Willie Revillame na si Karen Martinez, na ina ng dating young actor na si Raphael Martinez na produkto ng Star Circle Quest Batch 1 nina Hero Angeles at Sandara Park, sa Trelly sa loob ng ABS-CBN nu’ng isang araw.

Isa si Karen sa mga kasama ng controversial TV host na nagbakasyon sa Macau nu’ng Holy Week.

Ayon kay Karen, nagbibiro lang daw si Willie nang sabihin nito na nanalo siya ng P24 million sa casino roon at naipatalo niya rin daw iyon, dahil hindi naman daw talaga naglaro at naglalaro ng casino si Willie kapag pumupunta sila ng Macau.

Pero totoo raw na namili si Willie ng mga designer bags, gaya ng Louis Vuitton, Prada at Chanel para sa mga kaibigan niya at mga co-hosts niyang babae sa Wowowillie na inabot ng halos P10 million at pera niya raw talaga, hindi galing sa unang napabalita na kasama raw sa kanyang napanalunan sa casino.

Kasama raw sa binilhan ng mga designer bags ni Willie ay ang broadcast-journalist na si Vicky Morales ng GMA-7, na asawa ng anak ng kanyang lawyer, at si Priscilla Meirelles, na asawa naman ng kanyang kaibigan at nakaalitan niya noon na si John Estrada, na parehong kasama sa engrandeng bakasyon.

Maging ang isa pang matalik na kaibigan ni Willie na si Randy Santiago at mga anak nito ay join din daw sa trip.

Nagbigay rin daw ng pera si Willie sa ibang mga kasama niyang kaibigan para pang-shopping.

Kadalasan daw ay mahilig lang mag-shopping ng kanyang mga damit, gaya ng Hugo Boss at iba pa, at mga designer brands din na mga sapatos si Willie sa Macau.

Nu’ng nakaraang January nga lang daw nang magpunta ang grupo ni Willie sa Hong Kong, kung saan kasama pa rin si Karen ay nakapamili ito ng halagang P1 million sa Ralph Lauren store ng mga damit.

Pero lalo kaming mamangha kay Willie kung sa pangalawang pagkakataon ay tutulungan niyang muli ang limang taong gulang na apo ng kanyang trusted and efficient secretary na si Tess Mationg na kailangang maoperahan sa puso dahil sa butas.

Nu’ng unang operasyon daw kasi ay sinagot ni Willie ang hospital bill na umabot sa P400,000. Kaya nahihiya na raw lumapit pa ulit sa kanya si Tess sa pagkakataong ito.

 

NU’NG MARTES ng gabi ay nakita namin ng manager nina Aga Muhlach at Angel Locsin na si Tita Ethel Ramos si Maja Salvador at ang komedyanang si Kakai Bautista sa Grams resto sa ABS-CBN bago sila umuwi galing siguro sa isang meeting.

Biniro namin si Kakai na kung papipilian siya, sino ang mas bet niyang maging jowa between the Thai superstar Mario Maurer, na naging close friend niya, and his older brother na nakabisita na rin dito sa Pilipinas nu’ng may pelikula rito ang kapatid niya at si Erich Gonzales na Suddenly It’s Magic, kung saan nakasama nila ang komedyante?

Ang tanging naisagot nito ay, “Tinatanong pa ba ‘yon?” Na ang ibig sabihin, ang napakaguwapong Thai actor na walang ka-pores-pores sa fez!

 

KANSELADO NA nga raw ang first ever Manila concert sana ng international singer na si Gloria Gaynor na nagpasikat ng kantang ‘I Will Survive’ na gaganapin sana sa April 5 at 6, ayon sa organizers nito.

Pero how true ang tsikang nakarating sa amin na kaya raw umatras ang kampo ng tinaguriang Disco queen nu’ng 80s sa concert nito dito ay dahil hindi umano pumayag ang local producers na i-upgrade from business class to first class ang upuan nito sa eroplano?

Ang tsika ng aming source, nais raw sana ni Gloria na maging kumportable ang kanyang biyahe papunta rito, kaya ni-request ng kanyang partido ang first class seat para sa kanya, marahil para raw makahiga ito at makapagpahinga at makatulog nang maayos during the long flight from the States dahil sa may edad na nga ito.

Supposedly, kahapon ang dating ni Gloria, pero nu’ng Tuesday lang na-cancel ang concert. Kaloka!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.