Kahit halatang love na rin si Xian Lim
Kim Chiu, ayaw pa ring bumigay

SA ITSURA, mabait si Kim Chiu. Maging ang mga kasamahang reporter na nasundan ang karir niya, iisa rin lang ang obserbasyon nila sa dalaga, walang ipinagbago kahit sikat na at masasabing isa sa mga prime artist ng Star Magic, Kapamilya Network at ng Star Cinema.

Sabi nga, mabait siya at hindi nilamon ng kasikatan. Kaya nga ang daming nagmamahal sa kanya.

Kuwento niya sa presscon ng Wansapanataym para sa kanyang month long episode na My Fairy Kasambahay; akmang-akma kay Kim ang kuwento. It’s about dreams and fairy tales na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ng pangangarap niya.

May nagkuwento sa amin, maganda raw makisama si Kim sa mga kasambahay. Mula sa kasama nila sa bahay at ang kanyang personal assitant, nagtatagal sa kanya.

“Cebuano ang salita namin sa bahay,” kuwento niya.

Sort of a tribute nga raw ni Kim ang month long serye niyang ito para sa mga naging kasambahay nila. Mula sa katulong hanggang sa hardinero at driver; mula nang magsimula siya sa showbiz na hindi pa siya sikat, magpasahanggang ngayon ay nasa kanila pa rin ang mga ito.

Sa edad ni Kim na “loveless” pero loved naman siya (from Gerald Anderson to Xian Lim); tila ayaw pa ring bumigay ng dalaga.

Pang-iintriga nga ng press sa kanya, if given a change na mag-wish kung alin sa buhay niya ang nawala na gusto niyang maibalik; simple lang ang sagot niya na may pagdaramdam – ang kanyang ina.

Inaakala nga namin ay si Gerald ang isasagot niya na gusto niyang bumalik pero mali pala.

Para kay Kim, ang nawala, hindi na kailangang balikan. “You need to move on,” sabi niya.

Nagtataka lang ako kung at the age of 23 ay wala pa ring boyfriend si Kim. Kung sa bagay, aminin man niya o hindi na nae-enjoy niya ang company ni Xian, ang basa ng marami, love na rin niya si Xian. Ayaw lang niyang bumigay dahil sa mga pangarap pa niya.

 

Gerald Anderson, tuluy-tuloy ang buhos ng suwerte

 

NICE TO learn na Rated A ang pelikulang  On The Job (OTJ) nina Gerald Anderson, Joel Torre at Piolo Pascual.

Kapag bumuhos nga naman ang suwerte at magagandang bagay, tuluy-tuloy at walang patid.

Kaya nga happy si Gerald na ang tag ko ay Brad Pitt ng Pilipinas dahil pagkatapos ng OTJ, sa telebisyon naman siya mapapanood simula sa Lunes via Kapamilya Network’s Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ito ‘yong serye na sa simula ay si Maricel Soriano ang makakasama niya na nagkaroon ng problema sa set, pinalitan agad-agaran si Maria at si Dawn Zulueta na nga ang bida kasama sina Cristine Reyes at ang pabulosang si Dina Bonnevie.

Kung good boy ka naman kasi, malapit ang suwerte sa ‘yo lalo pa’t matiyaga ka at pursigido.

Kaya nga sa magandang estado ng career ngayon ni Gerald, ang lovelife niya with Maja Salvador ay hindi sentro ng buhay niya ngayon which is tama lang naman.

Ang suwerte, pamisan-minsan lang kumakatok ‘yan kaya habang ratsada, grab the opportunity.

By the way, sa bagong serye, magsasama ang dalawang mag-ex na sina Cristine at Rayver Cruz, na sabi, hindi naman daw nagkailangan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

7 thoughts on “Kahit halatang love na rin si Xian Lim
Kim Chiu, ayaw pa ring bumigay

  1. Kim Chiu is one of the nicest showbiz personality. Siya nga ang ang nag top sa 100 most brightest star sa iyang magazine. Google nyo na lang. She has a good heart. Everyone can tell naman.

    Kaya nga love ni Anne Curtis si Kim Chiu eh kasi puro sila mabubuti ang mga puso at hindi plastik.

  2. kaya nga kahit mabaiit, maganda matulungin sa kapwa anjan pa rin ang naiingit sa kanya kahit anu na lng ang eneen ventong kuwento against kay kim akala mo ba naman close xa kay kim, dahil wla sa kalingkingan n kimmy ang idol n ia kaya ayun malaking inn ggit,tingnan lng natin hanggang kailan ang kasikatan ng idol nla.

  3. nyahahahhaha patay ka Kimpayatot,,,,magagaya ka kay KC…hindi rin ako naniniwala na hindi mo alam na,,isang…pa-MEN-ta ang Xianitang yan,,,nyahahhaha

  4. mabait talaga si kim, matulungin ang walang star ego kagaya ng iba, ang paging mabait ay isang gift mula sa itaas at nasa iyo kung ipapraktis mo sa kapwa at i keep mo. lahat tayo me mangandang kalooban kaya lang iyong iba nadadala ng kasikatan o pagkakaroon ng pera nagiging sakim. si Kim very generous at naintindihan niya ang pakirandam ng wala at nangangaylangan kaya blessed din siya. puno ng pagmamahal ang puso niya lalo na sa pamilya niya no hard feelings siya kahit na lumaki na walang magulang sa tabi niya ng mahabang panahon very thankful parin siya dahil nandiyan siya. Hindi ko maintindihan sa kabila ng kabutihan ng batang ito mayroon pa rin siyang mga haters na inggit sa kanya kung mayroon man silang ibang inaidolize then be it why bash someone who had done nothing wrong but goodness.

Leave a Reply

Your email address will not be published.