Kahit habambuhay pa maghintay
Andrei Felix, balak nang pakasalan si Venus Raj

LOVE IS in the air for Venus Raj and Andrei Felix. Their love story blossomed on the set of the morning show Umagang Kay Ganda, kung saan sila parehong segment hosts. There are times when as hosts they travel together to feature fascinating things in different places. Palagi silang nagkikita at nagkakasama sa trabaho kaya hindi imposibleng mahulog ang loob nila sa isa’t isa. They became an official couple noong nakaraang November 24.

Minsan talaga ay mapagbiro ang pag-ibig. Hindi mo alam na ang taong katabi o kaharap mo na pala ang siyang nakalaan para sa iyo. Kuwento nga ni Iya (Villania) na co-host ng dalawa sa UKG, “Hindi type ni Drei si Venus, hindi rin type ni Venus si Drei. It’s something that I didn’t see coming. The turning point was noong si Venus, mayroon na siyang nararamdaman na hindi niya hinahanap. I think that’s what did it for Venus. ‘Ano to? Bakit ako may nararamdamang ganito?’ Siguro natuwa rin si Drei. ‘Nakakatuwa naman itong babaeng ito.’ Doon na nagkaroon ng admiration at attraction.”

Andrei admitted on The Buzz that he already sees himself spending the rest of his life with Venus. “She is the one. Hindi naman kami papasok sa isang relasyon na laro-laro lang. Galing kami sa mga relationships na mahahaba talaga. Iyong sa amin, talagang ito na iyon eh,” he said.

Sinabi na raw ni Andrei sa kanyang magulang na balak niyang pakasalan si Venus pero hindi naman daw ito nangangahulugan na malapit na silang magpakasal dahil bata pa si Venus. “Realistically speaking, in a few years hopefully (we can get married). I’m not getting any younger pero she’s still young. She still has a bright career ahead of her and sabi ko nga if I have to wait a lifetime, sige.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko rin sanang makilala ang mga anak namin, maka-basketball, makalaro. Gusto ko abutan ako ng mga anak ko na may buhok pa ako.”

Sinabi nina Venus at Andrei that they entrust their relationship to God. “God knows. Ipasa-Diyos na lang natin lahat kasi hindi naman madaling magpakasal. Kasi it is a commitment and beyond the gastos and everything, it’s the life-long partnership,” Andrei said.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

11 thoughts on “Kahit habambuhay pa maghintay
Andrei Felix, balak nang pakasalan si Venus Raj

  1. Ang kapal ng mukha ng nagsabing pangit si Venus! Bakit? Si Anne Curtis, Sam Pinto at marian Rivra ba e kayang mag-place sa Miss Universe?

  2. Huwag nyo namang maliitin si Venus, runner up sya sa Miss U no? Hirap yata makarating man lang sa first 10, maging runner up pa kaya? Beauty is in the eye of the beholder lang yan. Kanya kanyang taste lang yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.