Kahit gusto na ni Carmina Villaroel Zoren Legaspi, ayaw pang sundan ang kambal

FUNNY TALAGANG KAUSAP si Zoren Legaspi. Bukod sa cute na, marami rin siyang kuwentong-showbiz na dala mula raw sa mga nasakyan niyang taxi drivers.

At nitong huli naming siyang nakatsikahan sa story conference ng Glamorosa, ang bagong serye nang TV5, inusisa namin siya kung kalian masusundan ang kambal nila ni Carmina Villaroel.

Aniya, hindi pa naman sila nagmamadali, kasi ini-enjoy pa nila ang paglaki ng mga bata. Pero si Carmina raw ay gusto nang masundan, siya nga lang daw ang may ayaw. May ganun?

Well, kasi raw, super ganda pa ng takbo ng kanilang mga career at busy pa silang mag-asawa sa kabi-kabilang proyekto. ‘Pag kaya na raw nang sked nila, why not.

 

DUMALO KAMI SA Sunlife Financial It’s Time Awards noong Sabado, October 8, 2011, na ginanap sa Traders Hotel Manila. Exciting ang nasabing event dahil present ang kanilang top endorser na si Piolo Pascual.

Bago pa man dumating si Piolo, kumalat ang mga tsismisan among press people na nasa venue na diumano ay hiwalay na naman daw sina Piolo at KC Concepcion.

Kaya naman nang nagkaroon na kami nang pagkakataong makausap si Papa P ay nilinaw namin ito sa kanya. Ang tangi lang niyang nasagot ay, “Hindi po, hindi po totoo ‘yan.” Mabilis pa sa alas kuwatrong nahila na si Piolo ng kanyang escorts kaya hindi na siya nakulit pa ng ibang press tungkol sa isyu.

Sana lang ay hindi totoo ang isyu dahil kailan lamang ay napapabalitang may pinagdaraanan din sila ni KC.

 

SA EVENT NAMAN ng Baume and Mercier, isang mamahaling relo na iniendorso ni Gretchen Barretto, nausisa namin siya tungkol sa paggamit ng kanyang pangalan sa pelikulang No Other Woman, bilang paglalarawan sa isang babaeng sopistikada at palaban. Hindi kaya siya na-offend tungkol dito?

“Sabi nila naka-arrive ka na raw, nakarating ka na kapag ginamit ang pangalan mo, so I said thank you very much. I’m flattered because ang credibility ng isang tao, importante talaga ‘yun. Sabi ko, panahon na talaga na lumaban in many ways. Ang laban kasi is hindi naman laging tarayan at murahan, but in many ways and in beauty you know.”

Malapit na ring rumolyo ang mga kamera para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang Alta, kaya super excited daw siya to do tapings again lalo’t new breed of actors ang kanyang makakasama.

“I’m very excited! It’s the first time I’ll be working with Sam (Milby) and with Luis (Manzano) and with Zanjoe (Marudo). Alam natin na magaling na magaling si Angelica Panganiban and of course KC Concepcion. Nag-workshop kami, gumagaling si KC, so I’m very proud and what I feel is she is hungry to be an actress and that is a good thing… and naki-lala ko si KC and si Angelica through the workshops and I love them, I love them as a person and I’m excited to work with them.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Kahit gusto na ni Carmina Villaroel Zoren Legaspi, ayaw pang sundan ang kambal

  1. happy kaming mga fans sa couple na ito Mina- Zoren, napakapositive ng dating nila,kita naman na talagang masaya silang family and at peace. they are one of the good example couple in showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.