KAHIT EXPENSIVE ANG CASTING: Vice Ganda, pakikitain ng P900M ang MMFF 2018 entry niya!

Vice Ganda on the set of ‘Fantastica’

YESTERDAY,Tuesday, July 17 ang first shooting day ng Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica na official entry ng unkabogable box-office superstar kung saan sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang mga leading men niya.

Sa MMFF entry ng komedyante, tatlo sa mga maiinit, pinaguusapan at sikat na mga love teams ng Kapamilya Network ang makakasama ni Vice namely ang DonKiss nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, MayWard nina Maymay Entrata at Edward Barber at LoiNie nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Fandom ang tila target market ng pelikula kung kaya’t pinagsama-sama ang mga malalakas at sikat na mga tambalan mula sa Star Magic.

Pero si Vice naman, given na may market siya sa mga pelikula na ginagawa niya na mula sa bata hanggang sa mga magulang at mga nakakatadang kapatid ng bata ay sapul niya.

Expensive casting. Nag-times 2 ang costing ng pelikula with Dingdong and Richard sa main cast and with the the three love teams and other stars sa pelikula ay pangako naman ni Vice na pakikitain niya ng P900 Million ang Star Cinema sa sa darating na MMFF 2018. Wagi!

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.