Kahit disqualified ang DoJ secretary Tupas, ipipilit si de Lima sa CJ Shortlist

PURSIGIDO SI Iloilo Rep. Neil Tupas na isulong ang mas maluwag na rules sa Judicial and Bar Council (JBC), partikular sa kaso ng mga nominado na may na-kabinbin pang kaso.

Ito ay matapos na sabihin ni Tupas na isang kasama-han nila sa JBC ang naghain ng “killer move” laban kay Justice Sec. Leila de Lima, Solicitor General Francis Jardeleza at Securities and Exchange Commission Chair Teresita Herbosa.

Ang mga nabanggit na opisyal ay may nakabinbing criminal at administrative cases.

Kinakailangan umano ang unanimous vote ng mga miyembro ng JBC para mabasura ang nakabinbing “priveleged motion” na kumukuwestiyon sa integridad ng ilan sa mga nominado sa susunod na punong mahistrado.

Base sa umiiral na JBC Rule 4, Section 5, ang sinumang may pending criminal o regular administrative cases, may pending criminal cases sa foreign courts, na-convict sa kahit anong criminal case o administrative case na may multang P10,000 pataas ay diskuwalipikado sa appointment ng kahit anong judicial post.

Ang nasabing mosyon ay maitutulad umano sa powerful rule ng Commission on Appointments, kung saan maaring maharang ng lone member ng CA ang appointment ng isang opisyal, ani Tupas.

Matatandaan na noong Biyernes ay muling ipinagpaliban ng JBC sa ika-limang pagkakataon ang paglalabas ng shortlist dahil sa iba’t ibang rason.

Samantala, tiniyak naman ni Tupas na huling reset na ito ng JBC voting lalo’t sa Agosto 27, 2012 na ang deadline ng pagtatalaga ng Pangulo ng susunod na Chief Justice.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.