Kahit ‘di naniniwala sa mga santo
Rocco Nacino, gaganap pa ring San Pedro Calungsod

SA PRESSCON ng San Pedro Calungsod kung saan pormal na pinakilala si Rocco Nacino bilang gaganap sa role nito, agad na tinanong ang aktor kundi ba ito magkakaroon ng conflict dahil isa pala siyang Born-Again Christian at alam ng lahat na ‘di naniniwala ang mga ito sa mga santo?

Noong una ay ayaw sagutin ng aktor ang tanong dahil baka nga naman may masabi siya na maaaring maka-offend sa iba. Pero kalaunan, sinagot nito na wala naman siyang nakikitang problema sa mga kasama niya sa relihiyon. Natutuwa nga ito na sa kanya napunta ang role, pero kung darating sa puntong magkakaproblema ay sasabihan niya agad ang direktor nito.

Second choice dahil ang orihinaal na gaganap sana sa nasabing role ay si JM de Guzman. Pero dahil nga na may matinding pinagdaraanan ang aktor ay napunta ito kay Rocco. Para kay Rocco, hindi isyu sa kanya kung second choice man siya. Ang importante raw ay sa kanya napunta ang nasabing role na alam niyang magpapalalim higit sa husay niya bilang isang aktor.

Nakukumpara pala noon kay JM dahil halos may hawig sila kung saan pareho silang moreno, hindi nagkakalayo sa taas at pareho ring magaling umarte, nanghihinayang man kami na ‘di natuloy kay JM ang nasabing role ay naniniwala kami na magagampanan ito nang buong husay ni Rocco kung saan mag-aaral pa ng ibang lengguwahe ang aktor.

Isa sa mga entry para sa darating na 2013 Metro Manila Film Festival, hindi man ito komersyal gaya ng ibang kasabayang pelikula, ito naman ang pelikula na may kapupulutan tayo ng malalim na aral at tiyak na hahaplos sa ating puso.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Kahit ‘di naniniwala sa mga santo
Rocco Nacino, gaganap pa ring San Pedro Calungsod

  1. Am born again pero I believe in saints because it is written in the Bible but I don’t believe sa mga rebulto at gagawing santo dahil ganito at ganon.  I know Roco knows that kaya siguraduhin lang ang mga sinusulat please.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.