KAHIT BUWIS BUHAY: McCoy de Leon, tiniis ang hirap para makasampa sa andas sa traslacion kahapon!

McCoy de Leon

PARANG si Coco Martin din pala itong si McCoy de Leon na may debosyon din sa Itim na Nazareno.

Yesterday, Tuesday, January 9 na araw ng Traslacion ay sumampa sa andas ang young aktor.

Sa kanyang IG account, pinost ni McCoy ang picture ng kanyang maduming paa nang matapos niya gawin ang pagsampa kahapon.

Pagkakasulat niya sa kanyang naging karanasan: “Dalawang halik sa krus mo at nahawakan ko pa ang kamay mo. Ito ay isa sa pinakakakaibang nagawa ko sa buong buhay ko.

“Natulala lang ako nung nasa taas ako habang nakatingin lang sayo at hindi na inda lahat ng sakit sa katawan bago sumampa. Maraming salamat lahat salamat dahil hinayaan mo kong makalapit sayo Poong Nazareno. Mahal ka po namin :)” pagkasulat ni McCoy.

McCoy de Leon’s feet after translacion

Sa kanyang post, pinasalamatan din niya ang  mga taga-Wagas Batang Ibarra na tumulong sa kanyang pagsampa at mga kaibigan at ang ama para sa isinagawa na makasingit at maka-akyat sa sa andas.

Ang singer na si Angeline Quinto ay naisagawa na rin ang pagsampa ng andas last year.

Pagpalain ka ng Nazareno McCoy.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.