Kahit Buntis, Misis ni Donaire, Nagligtas ng Bata

KINUMPIRMA NI Nonito Donaire, Jr. na dinala sa pagamutan ang kanyang buntis na misis si Rachel matapos magkaroon ng injury dahil sa pagliligtas ng isang nalulunod na bata.

Base sa Facebook post ng boksingero, sinabi nitong biglaan ang mga nasabing pangyayari matapos lumubog sa tubig ang anak ng kanilang kaibigan habang sila ay nasa isang okasyon at napasugod ang kanyang asawa para sagipin ang paslit.

Samantala, ang asawa ni Donaire ay nakatakdang manganak sa loob ng buwang ito.

“Wifey admitted into ER for fetal monitoring. Shes full term but not due for another 17 days. Praying things are ok,” ani Donaire.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.