Kahit bumabagyo, tuloy sa trabaho Biazon, naka-2 ibon sa 1 bala

KAHIT BINABAYO ng bagyong Ferdie ang Metro Manila at lumubog pa sa baha ang ilang karatig-lalawigan, hindi ito naging hadlang kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon para magtrabaho bilang suporta sa programang “tuwid na daan” ni Pangulong Noynoy Aquino na maglalatag ng kanyang “Ulat sa Bayan” ngayon sa Batasang Pambansa Complex.

Dahil dito, parang nakasapol ng dalawang ibon sa iisang bala lamang si Biazon nitong nagdaang Biyernes makaraang makadale ng dalawang malaking sindikatong nagtangkang magpuslit ng epektos o “smuggled goods” sa bansa.

Katuwang ni Biazon ang kanyang mga opisyal at tauhan sa Task Force REACT, Enforcement Group (EG) at maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nasabing accomplishment.

Unang nasabat ng grupo ni Biazon ang P42.5 milyong halaga ng smuggled rice sa Subic Freeport at ang sumunod ay ang mahigit 3 kilo ng Shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Personal na iprinisinta ni Biazon sa mamamahayag ang nasabat na smuggled rice sa Subic sa pamamagitan ng Commisioner’s REACT Task Force, Enforcement Group at Port of Subic District Collector’s Office.

Ayon kay Biazon, nakapaloob ang 45,000 sako ng hot rice sa 90 forty-footer container vans na naka-consign sa Masagana Import Export, Inc. na may tanggapan sa 2161 P. Paterno St., De La Paz, Biñan, Laguna at sa Oriental Tradelink Express, Inc. ng Subic Bay Freeport Zone.

Ang mga bigas ay nagmula sa Vietnam at idineklarang construction materials at gypsum boards.

“This is a large scale attempt to smuggle rice into the country by misdeclaring the illegal shipment of rice which, had it not been for our alert customs operatives, could have affected the livelihood of many of our local farmers,” pahayag ni Biazon.

“We will never allow the smugglers to exploit the privileges being offered by the government to legitimate locators of all Freeport Zones,” dagdag ni Biazon.

Ilang oras matapos nito, nakasabat naman ng kilo-kilong Shabu ang mga nakaalertong opisyal at tauhan ng BoC sa NAIA.

Ayon kay Biazon, naaktuhan ng NAIA-Customs operatives sa pangunguna ni Customs District commander Marlon Alameda at TF-REACT NAIA Head A/SA III Byron Carbonell sa pakikipagtulungan sa Enforcement Group at PDEA ang Singapore national na si Danny Ng y Boon Eng, 32, habang tinatangkang maipuslit ang droga na nakalagay sa kanyang mga dala-dalang gamit.

Galing ang Singaporean sa Bangkok, Thailand, sakay ng Thai Airways flight number TG-624, ayon sa report.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.