Kahit binabagyo ng intriga
Jodi Sta. Maria, positibo pa rin ang pananaw


“WHEN WE first thought of doing Be Careful with my Heart, we wanted to share love, joy and inspiration. Maraming salamat sa inyo, Anak TV, una po ito sa akin, at sa lahat ng kabataan na magkakapit-bisig at sa anak ko pong si Thirdy, inaalay ko po ito sa kanya kasi sa kanya po ako humuhugot ng inspirasyon at lakas.”

Ito ang madamdaming speech ni Jodi Sta. Maria nang tanggapin niya ang kanyang Makabata Star Awards noong December 4, sa ginanap na 2012 Anat TV Seal Awards sa Lord’s Flock Heritage, Worship and Spiritual Center, sa Del Monte Avenue, Quezon City.

Halatang inspirado si Jodi kasi maaga siyang dumating sa venue at may production number pa sila ng kanyang ka-loveteam na si Richard Yap na nakatanggap din ng kaparehong award na nakuha niya.

Pagmamalaki ni Jodi, para raw sa kanyang anak ang nakuha niyang award. “Para po ito kay Thirdy. Yes, oo naman. Totoo naman na anak ko talaga ‘yung source ko ng joy and inspiration. Sa anak ko talaga ako kumukuha ng lakas and sa totoo lang I’m so blessed, this year.”

Gusto raw niyang maipagmamalaki siya nito pagdating ng araw. Sa ngayon, nagiging maingat daw siya sa pagtanggap ng mga proyekto. “Si Thirdy, ‘yung inspiration ko talaga para pagbutihan ko pa ang aking work. Oo naman, kasi may anak ako siyempre, hindi ba lahat naman ng ginagawa ko gusto ko na magiging proud sa akin ‘yung anak ko. Siyempre nagiging maingat din ako sa mga proyekto na tinatanggap ko, kasi alam ko ang anak ko ay nanonood na ng TV. So, I only want him na makapanood ng mga quality na shows.”

Ito ang kauna-unahang award ni Jodi at nang kanyang kaparehang si Richard sa Anak TV. “Siyempre napakasaya namin na nakatanggap kami ng ganitong karangalan. Pareho kaming first timer ni Richard, eh. So wala, sobrang saya lang talaga namin na napili kami. Yes, natutuwa naman ako na pinagkakatiwalaan ako ng mga tao, so blessing talaga itong taon na to for me.”

Una na raw nagpasaya sa kanila ay ang balitang extended ang kanilang show hanggang June 2013. “Oo nga eh, ang saya na extended na kami for another seven months. So, nakakatuwa dahil seven months pa tayong magkasasama-sama.  Seven months pa ng love, inspiration and double the kilig.”

Sobrang blessed daw ang 2012 for her kaya naman isang malaking party ang pinaghahandaan ni Jodi para sa ikapitong birthday ng anak sa December 23. “Hindi ba niya to mapapanood, meron na rin akong gift sa kanya, pero siyempre magbi-birthday na rin siya sa December 23, so it’s his 7th birthday and ‘yung theme na gusto niya lahat naman kinonsulta ko sa kanya, so lahat ng makikita niya sa party niya, lahat ‘yun ay gusto niya.”

Bakit kaya napaka-positibo niya sa lahat aspeto ng buhay kahit na inuulan siya ng intriga at pambabatikos. “Eh, ganu’n  talaga ang kailangan kasi sa buhay. ‘Di naman talaga mawawalan ng mga pagsubok at problema. We have to see our problems as challenges lang, you learn on it, we should dwell on our problems positively, we move on, kahit ano mang mangyari, life goes on.”

 

KUHANG-KUHA SA mga TV camera sa loob MGM Garden Arena sa Las Vegas ang pag-iyak at hagulhol ni Jinkee Pacquiao nang makita ang asawang si Manny na nakatulog sa loob ng ring sa 6th round sa laban nito kay Juan Manuel Marquez.

Sa live phone patch interview kanina kay Jinkee last Sunday, December 9, ng Balitang 60 ng Aksyon TV Channel 41, ikinuwento ni Jinkee na labis siyang nag-aala sa kalagayan ng asawa nu’ng ilang segundo itong walang malay. “Kasi natakot ako nu’ng hindi siya nakabangon agad, kasi first time kong nakita siyang ganu’n. Kasi never in my whole life na nakikita ko si Manny na knocked down talaga na parang as in na medyo napakatagal makabangon. So, natakot talaga ako sa kung anung nangyari sa kanya. So, ang sinasabi ko sa kanya, du’n sa mga Amerikano na humarang sa akin, even Bob Arum na gusto kong tignan si Manny, itse-check ko lang kung okay siya.”

“So hindi nila in-allow, hindi sila pumayag pero sabi nila may doctor naman so hayaan muna lang daw ang doctor ang magtsi-chek sa kanya.”

Gusto na rin kaya ni Jinkee na mag-retire ang kanyang asawa katulad ng hiling rin ng ina nitong si Mommy Dionisia? “Actually ‘yun nga ang sinabi ko kanina nung nakahiga si Manny, sabi ko na ‘Bhe baka may porpose si Lord na na maghinto ka na sa boxing tsaka mag-focus na tayo sa kanya, mag-serve na lang tayo sa kanya. So, ‘yun lang , hindi naman siya umimik, so ayoko namang I pressure siya sa sagot niya.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.