KAHIT BAGAY SANA: Relasyong Coco Martin-Maine Mendoza, imposibleng mangyari!

Maine Mendoza and Coco Martin

SA SHOWBIZ, kadalasan, kung kasama mo sa isang television show or pelikula ang leading man or leading lady mo, most of the time ay nauuwi sa pagmamahalan ang working relationship ng dalawang artista to a more personal and romantic “something”.

Noong una, akala nila, pwede na ma-link ang aktor na si Coco Martin sa leading lady niya na si Maine Mendoza sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles na isa sa mga official entry ng CCM Film Productions, APT Productions and MZet Productions for the 44th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Araw ng Pasko (December 25).

Sa grand media conference, isiniwalat ng dalaga na hindi sila pwede ma-link ng aktor dahil may “something” na sa kanila bago pa man sila maintriga.

Sina Maine at Coco ay magkamag-anak.

Yes, nadiskubre ng dalaga na sa family tree nila, andun si Coco at hindi pwede na magkaroon ng something personal ang dalawa.

Kuwento ni Maine sa mga media people na andun yesterday sa event: “Una po sa lahat, para po sa impormasyon ninyong lahat, magkamag-anak po kami ni Coco. Distant relatives po kami. Nalaman na po namin, may family reunion po kami sa Bulacan.”

Pagpapatuloy ni Maine sa kanyang pagpapaliwanag: “Sa pagkalaki-laki ng family tree, nandito ako at sa kabilang side at nandito si Coco habang inaakto ang distance nila as “relatives” from their family tree.

During the shooting of their film, sa simula ay kanilang pagiging relatives ang naging topic nilang dalawa sa set.

Maging si Coco ay naitanong na rin ang kanyang Lola na kinumpirm na magkamaganak sila ng dalaga.

Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

Kuwento pa ng aktor during the mediacon: “Ako nga po, nagulat din ako. Nung sinabi sa akin ni Maine yun, tinanong ko yung lola ko, ‘La, may kamag-anak po ba tayo dito sa Bulacan?’

“So yun, nagkatugma-tugma,” pagkumpirma ng aktor.

Kung hindi pwede magkaroon ng romantic alliance ang dalawa dahil magkamaganak sila, ang paghahanap ni Maine sa tunay niyang “leading man” in real life ay pwede naman siguro si Arjo Atayde na kasama din nila sa pelikula.

Pwede kaya?

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.