Kahit ayaw ng TSINA; PH, tuloy sa UN arbitration

TULOY PA rin ang pagdulog ng Pilipinas sa United Nations Arbitration Tribunal hinggil sa usaping teritoryal laban sa Tsina.

Ito ay sa gitna ng panibagong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa kasunod ng ipinatupad na fishing rule ng lalawigan ng Tsina sa Hainan kung saan kailangang hu-mingi muna ng permiso ang sinumang papasok sa inaangkin nitong teritoryo.

Base sa pahayag na inilabas ni Foreign Affairs spokesperson Assistant Secretary Raul Hernandez, inihayag nitong ang 9-dash line ng China ang ugat ng pagtaas ng tensyon sa rehiyon.

Ang 9-dash line ay ang paniwala ng Tsina na pag-aari nito ang halos 90 porsyento ng South China Sea at mga karatig-tubig na sumasakop naman sa teritoryo ng Pilipinas kabilang ang West Philippine Sea.

Giit ni Hernandez, hindi natitinag ang posisyon ng bansa na labag sa international law ang 9-dash line ng Tsina.

“It is the core issue that must be singularly and fully addressed. To this end, we reiterate our invitation to China to join us in arbitration as we intend to proceed with or without China for a final disposition,” ani Hernandez.

Sinagot naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang naging pahayag ng Tsina na bukas ito na makipagdayalogo sa bansa hinggil sa fishing rule.

Ipinaalala naman ni Lacierda na ang Pilipinas ang unang nanawagan ng dayalogo sa nasabing bansa patunay ng intensyon nito para sa mapayapang pagkakaresolba ng usaping pang-teritoryal.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.