Kahit Ayaw ng NDF: New approach, Tuloy – Palasyo

ITUTULOY UMANO ng pamahalaan ang bagong approach sa peace process sa mga komunista kahit pa hindi pabor ang National Democratic Front (NDF) na siyang kinakausap sa formal peace talks.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi naman seryoso ang mga kinakausap sa NDF at hindi sila nakitaan ng sinseridad.

Sinabi ni Lacierda na bagama’t nag-uusap sa negotiating table, patuloy pa rin ang karahasan ng mga rebelde sa nakaraang 20 taon.

Samantala, wala raw kuwestiyon sa sinseridad ng gobyerno dahil patunay rito ang nilagdaang Framework Agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Alam mo, masabi ko lang po… You can characterize the position taken by the NDF in four words, and with due respect to the novel of Ian Fleming, chatty chatty bang bang – usap-usap tapos magkakaroon ng… tuluy-tuloy pa rin ang violence. Eh, ‘yung sinasabi ho ni-lang ‘yung peace talks na ‘yan – kung sakaling ang isang local… ‘pag sinasabing localize peace talks ayaw rin nilang… ‘yon na ho… kung ang kanilang… kung sila po ay sinsero sa kanilang sinasabing – nais nilang magawa ng peace talks. Alam n’yo po, nasabi ko na po ito, we’ve already proven our sincerity when it comes to peace talks. We’ve already signed with the MILF, the framework agreement,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.