Kahit anong mangyari, friends pa rin daw sila
Vic Sotto, walang sama ng loob kay Ai-Ai delas Alas

NILINAW NI Vic Sotto na wala siyang naramdamang sama ng loob kahit na tinanggihan ni Ai-Ai delas Alas na makasama sa cast ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako at sa halip ay ginawa nito ang Sisteraka kasama sina Kris Aquino at Vice Ganda.

Ayon kay Bossing Vic, nauunawaan niya ang legalities at technicalities na ipinaliwanag ni Ai-Ai kung bakit ‘di nito magawang sumama sa cast ng movie nina Bong Revilla at Vic na entry rin sa MMFF.

Mas lalong naramdaman ni Bossing ang respeto nang linawin nito ang estado ng kontrata ni Ai-Ai sa Star Cinema na producer ng Sisteraka.

“Sinabi ko naman sa kanya (Ai-Ai) na okey lang at naiintindihan ko. Basta kahit na anong mangyari magkaibigan tayo. Walang samaan ng loob or anything to that effect,” say ni Vic.

Bagama’t hindi pa kinukumpirma ni Bossing, baka magsama na sila uli ni Ai-Ai sa susunod na taon sa pelikula. Open din si Bossing Vic na magkasama sila ni Kris Aquino sa isang pelikula para sa susunod na film festival.

 

NO SHOW si Dingdong Dantes sa presscon ng One More Try ng Star Cinema kamakalawa na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS CBN.

Ang nasabing movie na idinirek ni Ruel Bayani ay nag-iisang drama family movie na entry sa Metro Manila Film Festival 2012, pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Dingdong at Angel Locsin.

Nag-isip tuloy ang mga press na dumalo na hindi pinayagan ng GMA 7 ang actor na dumalo sa naturang presscon.

Pero kaagad namang nagpaliwanag ang kampo ni Dong na may taping ito that day ng presscon kaya ‘di nakarating. At bilang patunay na nakahanda siyang tumulong sa pagpo-promote ng kanilang movie ay nagpadala naman ito ng VTR  message para sa entertainment press.

Anyway aalis ng bansa si Dong para panoorin ang laban ni Manny  Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa December 8 sa Las Vegas (Dec. 9 sa atin) kaya tinapos muna nito ang lahat ng commitment.

Going back sa presscon ng One More Try, halos maiyak si Direk Ruel Bayani habang ikinukuwento nito ang kakaibang istoryang ginawa nila.

Walang kagatul-gatol ding sinabi ni Direk Ruel na may laban sa pagka-Best Actress ang lead female stars ng One More Try na sina Angelica at Angel.

Posible rin daw maging number one sa takilya ang kanilang movie. Sabi ni Direk Ruel, “Yes, posibleng mag-number one kami sa takilya. Sino pa ba ang magtatanggol sa aming movie kundi kami na rin. Pero ito lang ang sasabihin ko na malakas ang laban nina Angelica at Angel sa pagka-Best Actress.”

 

ALAM NINA Angelica Panganiban at Angel Locsin na may entry si Nora Aunor sa MMFF pero malakas din ang paniwala nina Angelica at Angel na may laban sila sa Superstar.

Sabi ni Angelica, “Yes! May laban kami sa Best Actress category. Naniniwala ako na may himala!”

Trailer pa lang ng One More Try ay mabibighani ka sa istorya at talaga namang naipamalas ng dalawang female lead star nang tama at husay na pag-e-emote ng kani-kanilang role na ginampanan.

Pareho ring ipinagmalaki nina Angel at Angelica ang pagiging maginoo ni Dingdong. Pagdating nga raw sa kanilang love scene ay sinisiguro ng actor na hindi sila masisilipan at inaalagaan sila sa bawat maselang eksena.

Hindi rin daw naramdaman ng dalawa na sinamantala ni Dong ang mga eksena nila sa kama. Si Angelica ang wife ni Dong sa movie at si Angel ang girlfriend na nagbabalik at manghihiram ng asawa kay Angelica.

Ask tuloy sila kung magagawa ba nilang ipahiram ang kanilang husband sa ibang babae, base na rin sa pelikulang kanilang ginawa.

Pareho sumang-ayon ang dalawa pero may pahabol si Angelica na sa totoong buhay ay masakit ang ipahiram daw ang sarili niyang husband sa ibang babae. Pero kung magkaka-save daw ng buhay ay papayag na rin sila kahit masakit.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.