KAHIT ANO PUWEDENG GAWIN NG KALABAN: Kris Aquino, pinagbibintangan

Kris Aquino

SA DEMANDAHAN, kung anu-ano na lang ang iniisip o ginagawa ng kalaban para lang ipamukha at buwagin ang reputasyon at kredibilidad ng taong nagdedemanda sa kanyang kalaban.

Kadalasan, walang basehan ang mga demolition job na ginagawa nila na kung susurin mo, matatawa ka lang sa mga patutsada at akusasyon nila.

Bilang isang observer sa tunggalian ng Queen of All Media Kris Aquino at ng idinemanda niyang dating empleyado ng kanyang KCAP (Kris Cojuanco Aquino Production) na si Nicko Falcis, tila mawiwindang ka sa mga patutsada ng kampo ni Nicko kay Tetay.

Say diumano ni Kris in all caps: “YOU FUCKING ASSHOLE NICKO! DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD,” na napakalakas ng dating na initial reaction ng publiko make-keri kaya ni Kris gawin ito, based sa pagkakakilala nila sa kanya?

Bilang taga-masid, wala akong maalala na may ganitong ugali si Kris. Hindi man ako close sa kanya, knowing her, nakakatawa na aakusahan siya ng kampo ng kayang idinemanda ng ganito.

Maging ang mga tagamasid, ang publiko sa kaso ngayon na isinampa ni Kris, malamang sa hindi, magtataasan sila ng kilay.

Maging ang mga entertainment writer na si Jobert Sucaldito na mayroon love-hate relationship kay Kris ay natatawa sa akusasyon ng kampo ni Falcis.

Sa kanyang nightly showbiz talkshow na Showbuzz sa DZMM nabanggit niya na: Si Kris pa, magpapapatay ng kalaban niya?” na sinundan na lang nin Jobert tawa.

Sa pagiging lampa ni Tetay (siya na rin nagkukuwento nito sa media at maging sa publiko) ay matatawa ka at hindi seseryosohin ang pagbibintang sa kanya.

Kaya si Kris hinamon ang younger brother ni Nicko na si Attorney Jesus “Jess” Falcis na nagbulgar sa ilang media ng diumano’y pananakot at panggigipit ng celebrity host nang sampahan niya ng qualified theft si Nicko.

Sa kanyang Instagram account ay isinulat ni Kris ang kanyang sagot sa pagbibintang sa kanya: “PLEASE personally file your grave threats charge against me with any prosecutor in any region where a KRIS AQUINO will be most hated.”

Dagdag pa sa akusasyon laban kay Kris na may mga ”powerful friends” diumano ito na pinagkunan nito ng flight records ni Nicko para ma-monitor ang paglabas-pasok nito sa Pilipinas.

Si Kris Aquino magpapapatay ng tao? Ano ba, kapeng barako or kapeng Kalinga with no sugar and milk para magising ka teh!

Sa showbiz, never nagsinungaling si Tetay (except sa lovelife niya). Sa katunayan, very open nga siya sa kung ano man ang nasa sa isip niya ay mapapakinggan mo sa kanya. Except syempre tungkol sa buhay pag-ibig niya na balita ko ay pinagsabihan na siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na huwag  magdaldal. He he he…

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.