Kahit 2 na ang anak Wilma Doesnt, mabenta pa rin!

VERY THANKFUL daw sa Playboy Philippines ang model/ host/ actress na si Wilma Doesnt sa pagpili sa kanya na maging cover girl nito ng buwan ng Abril. Matagal na raw kasi nitong pinangarap na maging cover girl ng men’s magazine, kaya naman daw dream come true para kay Wilma ang mapili ng Playboy Philippines.

Flattered nga raw ito sa positibong feedback sa mga nakabili at nakakita na ng kanyang mga pictures na pang-international ang dating na kuha ng ace photographers na si Raymond Saldana and Owen Reyes. Kaya naman daw if ever na may kukuha  sa kanya ulit na maging cover girl ng isang men’s magazine, hindi ito tatanggihan ni Wilma.

At kahit nga raw dalawa na ang anak ni Wilma, happy ito at mabenta ang Playboy Philippines na siya ang cover girl. Biro nga nito na marami pa palang mga Pinoy na nagpapantasya sa kanyang katawan dahil na rin sa lakas ng sales ng Playboy Philippines ngayong buwan.

 

IMPIYERNO NG mga taong buhay raw kung ituring ni Dok Rommel, ang tumatayong manager ni Gerald Santos, ang kulungan, kung saan ilang buwan din itong nakulong sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Pumayat si Dok Rommel nang makita namin sa birthday ng F&S Tailors owner na si Jovan Dela Cruz, dahil na rin daw sa hirap na naranasan nito sa loob ng kulungan, hindi dahil sa magandang trato sa kanya sa loob, dahil naging maganda naman daw ang trato sa kanya sa loob, kung hindi dahil na rin sa kakaisip sa nangyari sa kanya.

Naging lesson nga raw kay Dok Rommel na hindi raw dapat magtiwala sa mga taong bago mo lang nakilala , dahil hindi mo alam kung ano ang puwedeng magawa nito sa ‘yo. Katulad ng nangyari sa kanya na labis-labis na nagtiwala, pero ang kinahantungan ay ang pagdawit sa kanya sa kasalanan ng taong pinagkatiwalaan niya na naging dahilan ng pagkakakulong nito.

 

NAGDIWANG NG kanyang 18th birthday si Rhen Escano, kung saan nagkaroon ito ng espesyal na Debut Celebration sa Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan habang umaawit ito ay isa-isang pumasok ang mga teen co-hosts nito sa Master Showman at nagbigay sa kanya ng red roses, habang isang boquet of roses naman ang bigay ni Kuya Germs na galing naman sa Daddy ni Rhen na nasa ibang bansa.

Wish daw ni Rhen ang magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career, kung saan tatlo ang kanyang regular shows sa Kapuso Network, ang Tween Hearts, Master Showman at Legacy kung saan gumaganap siyang kapatid ni Lovi Poe.

 

MARAMING HUMANGA sa acting na ipinakita ng isa sa member ng XLR8 na si Arkin Del Rosario sa Maynila na ipinalabas noong Saturday, kung saan nakasama nito ang mga young star na sina Nadine Lustre at ang co-XLR8 member nito na si AJ Muhlach mula sa mahusay na direksiyon ni Phil Noble.

Bago kasi napasama sa sikat na boyband si Arkin ay isa itong stage actor, kung saan nahasa ang kanyang galing sa pag-arte at minsan na rin nga itong nanalo bilang Best New Theater Actor sa isang award-giving body na pang-teatro.

Wish nga ni Arkin na mabigyan siya ng acting project sa GMA-7 na pang-primetime, kung saan gusto nitong makasama ang kanyang showbiz crush na si Kris Bernal. Bukod sa TV show, gusto rin ni Arkin na magkaroon ng pelikula na may temang drama o komedya. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.