Kahit 18 na
Kathryn Bernardo, no suitors muna

Kathryn-BernardoGINANAP KAMAKAILAN ang inaabangang debut party ni Kathryn Bernardo sa Blue Leaf Filipinas Halls in Pasay City. The guests were dressed in black and white as part of the modern vintage theme of the birthday party.

Kathryn was stunning suot ang kanyang pink beaded gown created by Francis Libiran. As she made her way inside the venue, Kathryn was greeted and serenaded by Erik Santos, Richard Poon, Matteo Guidicelli, and Sam Milby. Sinalubong siya onstage ni Robi Domingo who hosted the party. Kasunod nito ay tinawag ni Robi si Daniel Padilla na escort ni Kathryn.

Sa hinihintay na 18 Roses ay isinayaw ang debutante ng mga espesyal na lalaki sa kanyang buhay tulad ng kanyang amang si Mr. Teodoro Bernardo (1st dance), ang mga kapatid na sina Kevin at Marco at ilang mga nakatrabaho at kaibigan ni Kathryn. 18th Rose at last dance ni Kathryn si Daniel.

Hindi naman napigilan ni Kathryn ang maging emosyonal matapos magbigay ng inspiring messages ang kanyang family and close friends during the 18 Candles and Treasures.

Spotted during the star-studded birthday party sina ABS-CBN Head of Broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Business Unit Head Deo Edrinal, directors Cathy Garcia-Molina and Rory Quintos, Gretchen Barretto, Marian Rivera, Carmina Villaroel, Albert Martinez, Ian Veneracion, Enrique Gil, Julia Montes, JC de Vera, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at mga kapamilya ni Daniel na sina Karla Estrada, Rommel Padilla, Robin and Mariel Padilla, at Bb Gandanghari.

Hindi nakalusot sa pandinig ng mga bisita ang mensahe ng daddy ni Kathryn kay Daniel. “No suitors muna pero thank you, Daniel, for taking care of Kathryn. Pero so far, so good.”

Nagbigay naman ng reaksyon si Daniel tungkol dito. He said, “Kinabahan ako noong sinabi na no suitors. Pero iyong so far, so good, natuwa naman ako kasi na-appreciate ni Tito iyong ginagawa ko for Kath.”

Kathryn thanked her guests who attended her birthday celebration. “Maraming, maraming salamat from the bosses, sa mga friends ko [sa] showbiz and non-showbiz. Thank you for making my night memorable. And of course, to my family, kay DJ and family mo. Actually, itong celebration na ito hindi lang sa akin kasi it’s been 18 years simula nang pinanganak ako ni mama. Thank you so much, ma! Celebration natin itong dalawa, ma. Thank you!”

Daniel sang Till There Was You to Kathryn. His message to her, “Happy birthday, Kathryn! 18 ka na. Nakita ko noong sinabi na tapos na iyong debut mo, sobrang saya mo ngayong 18 ka na. Bukas, normal na ulit ang buhay natin. Enjoy lang natin.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.