Kahit ‘di umatras ang movie ni Robin Padilla Gov. ER Ejercito, pasok pa rin ang pelikula sa MMFF!

HABANG PAPALAPIT NA ang Metro Manila Film Festival this December, aligaga ang mga film produ-cers na matapos agad ang kani-kanilang pelikula. Siguradong pasok na nga ang pelikula ni Gov. ER Ejercito na Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga.

“Ang sabi sa akin ni Ms. Mylene Enriquez, producer ng Scenema Concepts International, may tatlong pelikula pa ang hindi nagsu-shooting, baka may mag-back-out. Dati, walo ang entries, ngayon pito na lang. Bale anim sila, pampito ang Asiong. Ang sabi ng MMDA sa amin, more theaters for the seven mo-vies, imbes na eight, magiging pito na lang ang entry,” say ni Gov. ER.

Nilinaw rin ng gobernador na walang alitang namamagitan sa kanila ni Robin Padilla. Nagsimula ang issue tungkol sa pag-atras nito ng kanyang pelikulang Mr. Wong at binigyang-daan ang movie ni ER.

“Natatawa na nga lang ako sa issue sa amin ni Robin. Imposibleng magkaroon kami ng away dahil malalim ang aming pagkakaibigan. Sabay kaming nag-artista at sabay kaming tinulungan ni Direk Deo Fajardo. At saka, nagkausap kami ni Robin tungkol sa entry namin sa MMFF. Ang sinabi niya sa akin, magsasakripisyo siya para sa pelikula ko. ‘Yun ang personal na usapan namin sa telepono,” dugtong pa ni ER.

Nabanggit ng MMDA sa producer ni Gov. ER na tatlo pa raw ang hindi nagsu-shooting. “Out of the 13, walo lang ang napili at pang-siyam ang . At doon sa walo, sabi ng producer ko, kapag may nag-back-out, pasok ang pelikula ko at nasabi nga ni Robin na magsasakripisyo na siya sa pelikula ko. Hindi na importante ‘yun sa akin. Ang importante nga-yon, nakapasok na ang pelikula ko. At ‘yung nabanggit sa akin ni Pareng Binoe na P500,000, ‘yun ang ibabalik sa kanya ng MMDA. ‘Yun ang performance bond.”

Sinabi rin ni Robin kay Gov. ER na hindi pa siya nakakapag-umpisang mag-shooting dahil hindi available ang artista na dapat sana kasama sa pelikula.

“Okay na raw ang script pero hindi pa sila nagsu-shooting. May mga leading ladies na hindi puwede dahil sa schedule. Ang pelikula nga raw ay tungkol sa anak niya, si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica. Kaya ko naman naitanong kay Robin ‘yun, kasi nabalitaan ko na may problema nga sa mga artista. May problema siya sa availability ni Anne Curtis at saka ni Angelica Panganiban,” paliwanag ng gobernador.

Nang dahil sa pangyayaring ‘yun, malinaw na hindi nagpaubaya si Robin kay Gov. ER para lang makapasok sa MMFF ang pelikula niyang Asiong. “Hindi ko alam talaga ang tunay na sitwasyon. Ang pagkakaalam ko hindi pa sila nag-uumpisa. It doesn’t matter kung si Robin would back-out or not, kasi tatlo ‘yung hindi makakapasok. Ito ‘yung sa Regal Films na Hototay, ‘yung Mr. Wong at may isa pa raw. Kaya kahit magback-out o hindi si Robin, pasok pa rin ang pelikula ko kasi walo ang kailangan,” sambit pa ng butihing gobernador ng Laguna.

Binanggit din ni Gov. ER na never siyang nakiusap kay Robin para umatras sa MMFF. Maging ‘yung tungkol sa performance bond na P500,00 ay ibinigay ni Robin ay maibabalik rin sa kanya ng MMDA. “Hindi! Hindi ko siya kinausap, kasi madi-disqualify kami. Wala dapat internal arrangement na ganoon. Bawal po ‘yun sa MMFF. Wala dapat ganu’n dahil may kalakihan nga po ang performance bond. Walang problema ‘yung performance bond. Kung ‘yun ang problema, bakit hindi ako tutulong? Kung talagang hindi na maibabalik, ako ang magbabalik sa kanya,” wika pa ni Gov. ER Ejercito.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Kahit ‘di umatras ang movie ni Robin Padilla Gov. ER Ejercito, pasok pa rin ang pelikula sa MMFF!

  1. SAN YUNG TUM NA LANG ANG PINASOK NI ROBIN ANYWAY EH NADUN PA RIN SA SINEHAN YUNG MGA LANGAW AT LAMOK NUNG PINALABAS ITONG EPIC-PEK NA MOVIE NA ITO

  2. wow etong movie ni gov. ER ang susunod sa yapak ng pelikula ni manny pacquiao na filmfest entry na first day at last day sa sinehan … sino naman manunuod sa pelikula nito

Leave a Reply

Your email address will not be published.