Kahit ‘di maganda ang kundisyon ng ama Iza Calzado, marunong magdala ng problema

HINDI AKO NAKADALO sa launch ng Profiles magazine na ginanap sa Makati Shangri-La nu’ng nakaraang Martes pero may mga nakarating namang kuwento sa akin na bongga naman daw ito.

Nakita naman ang effort ng mga taga-GMA Artists Center na tumulong kay Ms. Rosemarie Basa ng PREF Media Group na siyang nag-publish nitong magazine.

Pati mga designers ay talagang pinabongga ang mga damit ng mga talents ng GMAAC para maganda naman ang kalalabasan ng event na ito.

Pero siyempre, hindi naman maiwasan ang mga mahilig manlait, tiyak na meron pa silang maipipintas.

Isa sa standout na dumalo sa launch na ‘yun ay ang isa sa mga cover girls ng magazine na si Iza  Calzado.

Eversince naman, kahit ano’ng ipasuot mo d’yan kay Iza, maganda pa rin.

Gusto nga sanang interbyuhin siya ni Butch Francisco para sa Startalk tungkol sa tunay na kalagayan ng Daddy niya pero ayaw itong pag-usapan ng aktres.

Ang ganda-ganda nga naman niya du’n, tapos baka mag-iiyak lang siya kaya nakiusap itong huwag na lang sana ito itanong sa kanya.

Pero ang nakarating sa amin, mahina nga raw si Lito Calzado at lagi na itong binabantayan ng kanyang mga anak.

Bilib nga kami kay Iza dahil alam ko, siya ang nagdadala nito lahat, pero kapag nasa Eat… Bulaga! siya o basta nasa labas, parang wala lang at hindi niya talaga ipinapa-kita ang dinadalang problema ng pamilya.

Ayaw na raw niyang dalhin ‘yun sa trabaho, pero tiyak na humihingi rin si Iza ng dagdag pang dasal para sa kanyang ama.

 

CONGRATULATIONS SA MAG-ASAWANG Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa pagdating ng kanilang baby na si Baby Nathaniel James.

Nanganak na si Regine nu’ng Martes ng 7:47 ng gabi at na-caesarean ito, pero maliit lang  pala ang baby na may timbang na 4.4 lbs.

Narito ang kabuuan ng text ni Ogie bilang statement sa panganganak ni Regine.

“Baby Nathaniel was born 7:47 last night at 4.4 lbs. Light baby because isn’t due to come out yet.
“However, Dra. Lilybeth Genuino decided to do a C.S. last night because Regine’s amniotic fluid was low and sugar was quite high due to gestational diabetes.
“Praise God, but baby now is really doing well. Signs are good and latching on to Mom for breastfeeding so he can catch up with weight. TY for prayers and will update.”
Ang dami na ngang nagprisintang mag-ninong at mag ninang kaya tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil nakikita nilang marami ang masaya sa pagdating ng kanilang baby Nathaniel James.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng interview namin kay Ogie tungkol sa bago nilang baby.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kahit ‘di maganda ang kundisyon ng ama Iza Calzado, marunong magdala ng problema

  1. Sorry na isiningit ko ito dito dahil i was conveying my sympathy to Iza’s family pero I just want to say to Lolit Solit, baka lalaki na naman yong mga mata mo Lolita dahil si Pacman nanalo na naman at uuwi na naman yon dito sa Pinas na mataba ang bulsa este mataba pala ang heart. Happy Birthday sa mga mata ni Lolita, hahahahahahaha hair-bat queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.