Kahera, Nagpakamatay Dahil sa Pag-ibig

 

CAUAYAN CITY, ISABELA – Patay ang cashier ng isang kumpanya sa Cauayan City matapos magbigti dahil umano sa suliranin sa pag-ibig.

Nakabitin na sa loob ng kanilang bahay at wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ni Mae Anne Cruz, 29.

Batay sa pahayag ng ina ni Mae Anne na si Adela Cruz, nabatid na unang sinabi sa kanya ng anak na nakadispalko siya ng P50,000 sa pinag-lilingkurang multi-gas company at nakiusap na tulungan siyang lutasin ang kanyang suliranin.

Matapos magpakamatay ay napag-alaman ng pamilya Cruz sa mga katrabaho ni Mae Anne na walang nawawalang pera sa kanilang kumpanya at P5,000 lamang ang kakulangan sa hawak niyang pera ngunit natagpuan ito sa drawer ng kanyang mesa.

Dahil dito, naniniwala ang mga kaanak at kaibigan ni Mae Anne na may ibang dahilan ng kanyang pagpa-patiwakal tulad ng matinding suliranin sa pag-ibig.

Napag-alaman na naghiwalay sila ng kanyang kinakasamang lalaki at maaaring isa ito sa mga dahilan ng kanyang pagpapakamatay. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.