Kahati si Kris Aquino
Ai-Ai delas Alas, box-office queen ulit!

KINUMPIRMA NG isang kaibigan sa kanyang facebook account at ipinagsigawan pa nito sa kanyang status na “magnanakaw” nga ang isang dating sexy actress, dahil napatunayan nilang iniwan nito ang mga ninakaw na gadgets sa hostel na tinutuluyan nito sa Santo.

Ang buong akala ng marami ay maginhawa na ang buhay nito mula nang makapangasawa ng isang mayamang Chinese businessman. Natuwa pa nga sa kanya ang mga kasamahan sa industriya, dahil kahit nagpapaseksi siya noon ay itinulUy-tuloy pa rin niya ang pag-aaral niya sa kolehiyo.

Pero ‘yun pala, diniborsyo na siya sa US ng kanyang dyowa, kaya ngayon ay para Raw itong nangangapa sa dilim sa kawalan, kaya rin dumating na siya sa puntong kailangan niyang manuluyan sa ibang bahay, pero ang masaklap, nanakawan lang pala niya.

 

NGAYON NAMAN ay lumulutang sa twitter world na may hidwaan sina Kim Chiu at Maja Salvador. Ilan na ang nagtu-tweet sa amin para i-inform kami na nag-unfollow na raw ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram.

Nag-ugat daw ito nu’ng nag-date si Maja at ang ex ni Kim na si Gerald sa Bicol at ang dami raw nakakita.

Pero kung paniniwaalan namin ito, ano naman ang masama kung mag-date ang dalawa eh, matagal na namang wala sina Kim at Gerald? Dapat ba eh, ibusina muna ni Maja ke Kim na ide-date nito ang ex-boyfriend?

Maging ang ilang fans ni Sarah Geronimo (o malinaw yan, ha? Hindi namin nilalahat) ay nagre-react na rin sa isyu. At sinasabi ng ilan na, “‘Yun ba ang lalake para ke Sarah? Sarah deserves a better man!”

‘Yung iba’y may paeklat pang, “Kung talagang mahal ni Gerald si Sarah eh ‘di sana, marunong din siyang maghintay. Kung ayaw pa ng parents eh, ‘di i-pursue niya pa rin para maramdaman ni Sarah na mahal siya talaga ni Ge!”

Anyway, let’s just wait and see kung ano ang mga susunod pa sa kabanatang ito.

 

POSIBLENG MASUNGKIT muli ni Ms. Ai-Ai delas Alas ang korona bilang Box-Office Queen sa susunod na Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards Night dahil nga sa tumuntong na sa P350M ang Sisterakas.

Samantalang si Vice Ganda pa rin ang Phenomenal Box-Office Star at malamang, ang makatuwang ni Ai-Ai ay ang friendship nitong si Kris Aquino.

Matatandaang tinanghal na Box-Office Queen si Ai-Ai nu’ng 2003, 2009, 2010 at 2011 at ngayong 2012.

Antaray, ‘di ba?

Pero ayon sa aming nakausap pala, mas malaki raw ang kinita ng Star Cinema sa One More Try dahil solo nila ang production samantalang ang Sisteraka ay 50% lang ang share ng Star Cinema.

Ganunpaman, choosy pa ba?

Congrats sa lahat ng bumubuo ng Sisterakas!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Kahati si Kris Aquino
Ai-Ai delas Alas, box-office queen ulit!

  1. Sa dami ng Box Office King & Queen ang ncreate ng Star Cinema for theirs artists san kp!!!!? Juday, Claudine, Kristine Hermosa, Kris A. Ai-Ai, Sarah, Toni G. Bea Alonso, Anne Curtis, Cristine Reyes, at ang reyna ng mga reyna nc Gov. Vilma Santos-Recto na THE LONGEST REIGNING BOX OFFICE QUEEN with 13 BO Queen awards at the helm…at c Gov Vi rin ang THE REAL GRAND SLAM QUEEN with 4 GRANDSLAM FOR VEST ACTRESS for RELASYON, DOLZURA CORTEZ, BATA, BATA…PAANO K GINAWA? AT DEKADA ’70.

    • Si Kris ang tunay na box-office queen of all time. She makes things happen, hindi sya yung nakatanga lang at naghihintay sa isang sulok. Sana i-challenge din nya ang sarili nya with a good indie film, to prove maski indie film pwedeng kumita. G
      o KRIS!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.