KAGAYA NG MGA nagsulputang on-line casino, sumabay rin ang pagdami ng mga artista’t pulitiko na nakikita sa nasabing sugalan.

KAGAYA NG MGA nagsulputang on-line casino, sumabay rin ang pagdami ng mga artista’t pulitiko na nakikita sa nasabing sugalan. Isa si actor-politician na nagpatalo ng tumataginting na P22 milyon sa isang gabi lang! Naimbitahan daw ito ng mga kaibigang maglaro sa isang malaking casino, kapalit ang pagpapalakas ng isang branch na pag-aari nito. Ayon sa aking nakalap, casino rin ang isa sa mga negosyo ng maperang aktor-politiko.

Ang nasabing casino ay matatagpuan sa isang sikat na hotel tanaw ang ganda ng paglubog at pagsikat ng araw. Isang eksklusibong kuwarto at malinis na bilyaran ang lagi nitong request sa kanyang staff. Bukod sa mga staff, maging ang kapartner nitong negosyante ay nata-taranta tuwing dadalaw ito, kaya maaga nitong pinapapasok ang mga staff para maasikaso at mapagbigyan ang kagustuhan ng VIP actor-politician.

Mabait naman at galante si actor-politician. Sa katunayan, sa tuwing dadalaw sa branch ang mga kaibigan nito, maaa-ring kumuha ng isang daang libong piso panlaro sa kaha ang mga ito, sabihin lang under his name. Malimit daw dumalaw sa kanya ang isang magaling na character actor na mahilig ding magdidikit sa mayayamang tao.

(Maica Tidila)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.