Kagawad, Patay Sa Kuryente

TUSTADO ANG isang opisyal ng barangay matapos makuryente sa inaayos na TV antenna sa barangay Damit, Bayog, Zamboanga del Sur.

Ayon sa Peace and Development Work Team ng Bravo Company ng 53rd Infantry Battalion, aksidenteng nakuryente ang barangay kagawad na kinilalang si Benjamin Sibayan.

Makaraang matanggap ang tawag, agad na nagtungo ang tropa sa pangunguna ni CPL Jason Veranda at dinala ang biktima sa Bayog Health Center.

Sa kasamaang palad ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

Ayon sa Battalion Commander ng 1st Infantry Battalion Commander na si Mgen Ricardo Cruz bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, handa rin ang tropa na sumagip ng buhay ng bawat taong nangangailangan at nasa peligro ang buhay.

(EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.