Kagawad, Niratrat sa Arayat

PATAY ANG isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki lulan ng motorsiklo sa Brgy. Sto Niño Tabuan, Arayat, Pampanga.

Ayon kay Supt. Allan Palomo, Officer in Charge (OIC) ng Arayat Police, nakilala ang biktimang si Larry Batas, 39-anyos at residente sa lugar.

Dakong alas-9:30 ng gabi sakay ng Mio Soul Motorcycle na may plakang 9662-TO nang bigla na lang itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na armado ng calibre 45 at M-16 Rifle na sinasabing matagal na naghihintay sa madilim na lugar sa pagdating ng biktima.

Nakatakbo pa umano ang kagawad pauwi sa kanilang bahay subalit sinundan pa ito saka pinagbabaril hanggang mapatay.

Pagkatapos umano ng pamamaslang ay parang walang anumang nangyari saka pinaharurot ng dalawa ang kanilang motorsiklo.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.