Kagawad ng Barangay, Nagbaril Matapos Patayin ang Kapitana

KAPWA DEAD ON-THE-SPOT ang isang kapitan ng barangay makaraang barilin ng kanyang kagawad na nagbaril din sa sarili kamakalawa ng hapon sa loob ng kanilang barangay hall sa Malita, Davao del Sur.

Sa personal na pahayag sa Pinoy Parazzi ni Malita Police chief, Chief Insp. Samson Dimayong, kinilala ang kapitana na si Clara Baliota ng Barangay Demolok, Malita. Samantala, patay rin ang suspek na si Barangay Demoloc Kagawad Leobargo Laingo.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Nestor Nayle, naganap ang pamamaril alas-3:00 ng hapon habang nagsasagawa ng session ang barangay council, hanggang sa maungkat ang isang usapin, kung saan hindi nagkatugma ang kapitana at ang kanyang kagawad. Nauwi iyon sa mainitang pagtatalo, kung saan naungkat ang matagal nang samaan ng loob ng dalawa na nag-ugat nang masampahan ng kasong illegal logging ang suspek at isa sa mga testigo ay si Kapitana Baliota.

Matapos ang session, nagpaalam na ang suspek na uuwi na subalit kinuha lamang pala nito ang kanyang kalibre .45 baril sa kanyang motorsiklo saka nagbalik sa loob ng barangay hall at agad binaril ang kapitana na tinamaan sa kaliwang tainga at tumagos sa leeg.

Nang makitang hindi na gumagalaw ang biktima, nilapitan niya ito at niyakap sabay hingi ng tawad at halos tulalang itinutok ng kagawad ang baril sa kanyang ulo na hindi na napigilan ng mga kapwa barangay officials na nakatulala rin dahil sa bilis ng pangyayari.

Patuloy pang isinasagawa ang isang malalimang imbestigasyon ng pulisya. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.