Kagawad, Nangisay sa Poste ng Kuryente

DAHIL SA pagnanais na maging maliwanag ang kanilang nirorondahang lugar, patay makaraang ma-

kuryente sa poste ang isang barangay councilor sa bayan ng Baao, Camarines Sur.

Nag-aayos ng electrical wirings sa street light sa kanilang barangay ang biktimang si Sandy Sorsona nang aksidente nitong mahawakan ang isang live wire.

Hindi na nagawang makasigaw ng biktima at bigla na lamang itong nangisay hanggang sa mamatay.

Ikinagulat naman ng mga nakasaksi ang pagkamatay ng biktima habang hindi agad nasaklolohan sa pangambang pati sila ay makuryente rin.

Bagaman isinugod sa Dr. Robosa Hospital si Sorsona ay idineklara na itong dead on arrival.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.