Kagawad na abusado!

0927747xxxx – Sir Raffy, nais ko pong muling idulog sa inyo ang aming problema. Isang junk shop na pag-aari ng isang abusadong kagawad dito sa Mandaluyong na si Kent Faminial. Inilapit na po namin sa city hall ng Mandaluyong  ngunit wala pong aksyon na ginawa. Patuloy pa rin ang maraming tambak sa kalsada at sa harapan ng mga kapit-bahay. Sana po ay matulu-ngan ninyo kami para maaksyunan ang problema namin.

 

0949160xxxx – Sir, Idol concerned citizen po ako, mananawagan po ako sa LTFRB na napakaraming colorum na van dito sa lugar ng Buendia-Taft, Pasay. Pati po sa Dela Rosa, Makati. Sana naman po ay bigyan ninyo ng pansin dahil malaki po ang nalulugi sa aming mga mayroong permit para bumiyahe. Wala na po kaming naiuuwi sa aming mga pamilya dahil sa mga colorum na nagkalat at kinukunsinti ng ibang matataas na tao. Salamat po at more power sa inyong show.

 

0908893xxxx – Idol, ako po si Katrina Juliano ng Pasig, nais ko pong ireklamo ang isang MMDA na naka-puwesto sa Megamall malapit sa Guadix Street. Sana po ay mas higpitan at hulihin ang mga abusadong bus na biglang kuma-cut para kumuha ng pasahero. Kasi po walang nagbabantay sa lugar na ito dahil nag-uumpukan sila sa mismong Megamall. Sana po ay matulungan ninyo ako. Mabuhay po kayo.

 

0921777xxxx – Sir Raffy, nais ko pong isumbong sa inyo ang dalawang pulis na araw-araw po silang nangongotong dito sa lugar ng Maynila. Ang lokasyon po nila ay Lawton pag-akyat ng Quiapo at paglagpas meron na rin pong nakaabang na mangongotong at pag-akyat ng Morayta meron pa ulit na nagbabantay. Ang style po nila ay may collector sila na nagpapanggap na cigarette vendor pero iyon po talaga ang kanilang taga-kolekta. Dalawang piso sa tuwing dadaan ang taxi, jeep, bus at fx. Sana po ay mapaalis na po ang mga buwaya rito sa Maynila. Salamat po at more power po sa WANTED SA RADIO at sa inyo po Sir Raffy at Mam Niña.

 

0949470xxxx – Idol Raffy, nais ko pong isumbong sa inyo ang pulis na si Germino, pulis ng Sta. Rosa, Nueva Ecija. Pinara po ako kagabi ng 7pm at hinanap po ang rehistro ng aking sasakyan at ibinigay ko po naman. Maya-maya pa po ay hinanapan naman ako ng DTI permit, nang wala po akong maibigay na permit sinabi po ng kanyang kasama na enforcer ay bigyan ko sila ng pang-kape at hindi na nila ako huhulihin. Sana po ay matigil na ang pangongotong na ginagawa nila masyado na po silang umaabuso sa kapwa.

 

ANG INYONG SHOOTING RANGE ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15 pm sa Balitaang Tapat sa TV5. Pagsapit ng 2:00-4:00 pm naman, ang inyong SHOOTING RANGE ay napapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, sa programang WSR na naka-simulcast sa Aksyon TV Channel 41.

At pagdating naman ng 5:30-6:00 pm, ang inyong SHOOTING RANGE ay mapapanood pa rin sa TV5, sa programang T3. At tuwing Lunes, 11:30 pm, matutunghayang nakikipagbakbakan ang inyong SHOOTING RANGE sa mga mapang-api at mapang-abuso sa programang WANTED sa TV5.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.