Kagawad, Kalaboso sa Bato

KULONG ANG barangay kagawad matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Albert Balcos, 40, kagawad, ng Geronimo St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta ng Shabu ang kagawad na naging dahilan upang kontakin at magsagawa ng buy-bust operation.

Alas-12 ng tangahali, nang iabot ng suspek sa ang isang sachet ng Shabu kapalit ng P1,000 sa pulis na umaktong poseur-buyer sa C-3 ng lungsod ay agad na dinamba ang kagawad at dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.