Kagawad; isa pang kasama, sugatan sa mga holdaper

SUGATAN ANG ISANG kagawad ng barangay at kaibigan nito matapos barilin ng apat na hindi pa nakikilalang mga holdaper habang ang mga biktima at nagkukuwentuhan sa tapat ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kapwa inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang balikat si Michael Pangilinan, 36, ng Libis Espina at kagawad ng Brgy. 18, habang sa kaliwang balakang naman ang tama ni Ferdinand Ycabas, 37, ng Libis Balong Bato kapwa ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng gabi, nagkukuwentuhan ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Pangilinan nang sumulpot ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Agad na tinutukan ng baril ang mga biktima at pinadapa bago kinuha ang gintong kuwintas ni Pangilinan na nagkakahalaga ng P60,000.

Sa pangambang tutuluyan ay mabilis na nakaigtad si Pangilinan upang pumasok sa kanilang bahay na naging dahilan upang barilin at maging si Ycabas ay binaril din.

Nang magdatingan ang mga nakarinig ng mga putok ay agad na pumuga ang mga suspek sakay ng mga dalang motorsiklo, kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.