Kagagaling lang sa mansion ni Pacquiao Judge, Nabundol ng Motorsiklo, Sugatan

NAGTAMO NG head injury ang isang judge sa General Santos City matapos mabundol ng motorsiklo nang lumabas sa mansion ni Rep. Manny Pacquiao sa NLSA Road, Barangay Lagao sa nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Judge Antonio Lubao, 67, na-assign sa RTC branch 22 sa naturang siyudad.

Ang biktima ay kalalabas lang ng Pacquiao residence dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang ito ay banggain ng isang single motorcycle na minamaneho ni Oliver Busano, residente ng purok 17, Barangay Lagao.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan lumalabas na walang driver’s license ang driver at nasa impluwensiya ng alak.

Kaagad ding ipinasok sa lock-up cell ng Lagao Police Station ang driver.

Sa ngayon, patuloy pa ring ginagamot sa ospital ang nasabing judge. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.