KADIRI-TO DEATH! GUWAPONG YOUNG ACTOR, NANINILAW NA ANG MGA NGIPIN, BAD BREATH PA!

DUMAAN KAMI SA taping ng Babaeng Hampaslupa nu’ng Miyerkules sa may Vitas, Tondo. Transformation mula pagkabata hanggang sa sila’y maging teenagers ang mga eksenang kukunan kina Alex Gonzaga at Alwyn Uytingco. Nasaksihan namin ang walang pag-iinarteng mga atake ni Alex sa eksena,, kahit magkandaputik-putik na siya at magkasugat-sugat dahil natsa-challenge talaga siya sa kanyang role bilang si ‘Grace’.

Maganda ang chemistry nina Alex at Alwyn dahil halos puro take one lamang sila sa kani-lang mga eksena sa pagbusisi ng magaling na direktor na si Bb. Joyce Bernal. Kaabang-abang ang eksenang kinunan nu’ng araw na ‘yon dahil ito na ang unang pagtatagpo nina Alex at Alice Dixson.

Ano ba ang kuneksyon nila sa serye? ‘Yan ang kaabang-abang na mga eksena kasama na ang engrandeng pagpapakilala sa lahat ng mga characters ng Babaeng Hampaslupa na inyong matutunghayan sa Lunes, Pebrero 7, ganap na ika-siyam nang gabi pagkatapos ng  Wi-lling-Willie sa TV5.

NAKATSIKAHAN NAMIN SI Glaiza de Castro sa isang event, at kahit na ilang taon na kaming hindi nagkita mula nang lumipat siya sa GMA-7, gano’n pa rin kainit ang pagbeso niya sa amin. Hindi pinagbago ng panahon ang dalaga, kaya naman sinuwerte siya sa kanyang career. Nagbida na siya sa isang serye at naging kontrabida naman sa iba pa niyang proyekto, pero siya pa rin ang dating Glaiza na nakilala namin nu’ng nasa Dos pa siya.

Sa isang panayam noon kay Regine Velasquez, nagsabi itong tuwang-tuwa siya sa galing ni Glaiza sa pagiging kontrabida nito sa kanyang serye. Kuwento ni Glaiza, nahihiya nga siya sa Songbird dahil palagi raw siya nitong pinupuri. Ginagalingan na lang daw niya ang kanyang trabaho para hindi siya mapahiya sa malaking tiwala na ibinigay sa kanya ng Siyete.

BLIND ITEM: KINSA SIYA? Napapanahon itong si Young Actor. Marami siyang proyekto at talagang guwapo kung sa kaguwapuhan susukatin ang pagi-ging artista.

Minsan ay nakapanayam namin si Young Actor. Kuwentuhan, at siyempre, maraming tanungan tungkol sa kanyang career at mga projects. Napansin ng isa naming kasama na nag-iinterbyu ang ngipin ni Young Actor.  Inginuso niya ito sa amin, kaya naman na-curious kaming titigan ito.

Kapag ngumingiti si Young Actor, pansin na pansin ang mga ‘yellowish matter’ sa kanyang ngipin. Akala namin nu’ng una, namalikmata lang kami, pero kalaunan, meron talagang madilaw na parang nakapatong sa ngipin ng Young Actor. Medyo nakalihis siya sa akin, kaya hindi ko naman masyadong nalanghap ang umano’y kakaibang amoy sa bibig ng Young Actor na sinabi lang sa akin ng kasama kong nag-iinterbyu.

Naku, ha! Proper hygiene lang ‘yan! May pera na naman siguro siYoung Actor, kaya afford na niyang magpa-dentista, ‘noh!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 pm); Paparazzi, Sundays, 4 pm, at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 pm.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “KADIRI-TO DEATH! GUWAPONG YOUNG ACTOR, NANINILAW NA ANG MGA NGIPIN, BAD BREATH PA!

  1. ganda ni alice,,as in!!!sana pls,,si CRISTINA GONXALES,,AJ ABAYARI,,INA RAYMUNDO,,PRISCILA ALEMDA,,ANGELA VELEZ naman ang magbalk showbiz pls,,,,

  2. 2nd choice lang si alwyn at mart dito dapat pala sina JOSEPH BITANGCOL AT COGIE DOMINGO an g leading men ni alex dito,na sana mas ok ,,diba,,

  3. hay nako,,si ALICE DIXSON ang nagdadala ng show at sya ang mas pinaguusapan at namiss o gusto ng tao,,sino ba si alex,,,pinilit sa hinog na walang apil,wahhhahah,,,we love alice,,,,sana mag stay kapa at makagawa ng tv series sa 2 at 7 naman,,pls,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.