Kadayawan Festival, Posibleng Kanselahin Dahil sa Terror Threat

DAHIL SA banta ng mga teroristang grupo at ang magkakasunod na pambobomba sa ilang lugar sa Mindanao, malaki ang posibilidad na kanselahin ang selebrasyon ng Kadayawan festival sa Davao partikular na ang highlights sa nasabingselebrasyon sa darating na Agosto 17-18

Ito ang inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos maalarma sa naganap na insidente ng karahasan sa rehiyon.

Hindi umano gusto ng mayor na may maganap sa lungsod tulad nang nangyari sa ilang malalapit na lugar sa Davao kung saan maraming buhay ang nasawi.

Isa sa mga programa na tinitingnang kanselahin ay ang “Indak-Indak sa Kadalanan” at “Pamulak Parada”.

Dahil dito, patuloy ngayon ang pag-assess ng mga kinauukulan hanggang Agosto 13 kaugnay sa terror threat.

Samantala, kung lumabas umano sa kanilang pag-monitor na may banta sa seguridad, baka tuluyang ikansela ngayong taon ang malaking selebrasyon ng naturang kapistahan sa Davao.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.