Kabundukan sa Basilan kinalbo ng ASG

 

HINDI LANG sa sangkatauhan terror ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) maging sa kalikasan din.

Ito ay nang mahigit anim na ektaryang pananim ng iba’t ibang malalaking punong-kahoy sa bulubunduking bahagi ng Lamitan City, Basilan ang iligal na pinutol ng mga hinihinalang bandido.

Ayon kay Lamitan City Mayor Roderick Furigay, ang iligal na pamumutol ng naturang mga punong-kahoy ay nangyari partikular sa mismong water shed ng Barangay Arco sa nasabing siyudad.

Base sa impormasyon na natanggap ni Furigay, isa umanong nagngangalang Delos Reyes na dating miyembro ng CAFGU na sumanib sa ASG ang nagunguna sa nangyaring illegal logging sa lugar.

Kasama umano ng dating CAFGU ang mga armadong miyembro ng ASG na nanggagaling sa munisipyo ng Sumisip at Tipo-Tipo, Basilan.

Kasama ang tropa ng PNP, militar at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), personal na pinuntahan ni Furigay ang naturang lugar.

Sa isinagawang inspeksyon, nakita ang iba’t ibang mga putol na kahoy kagaya na lamang ng Mahogany, Acacia, Gemelina, Narra at iba pang mga magagandang kalidad ng mga kahoy.

Sinunog ng mga awtoridad ang mga maliliit na kubo na itinayo ng mga reblde na nagsilbing pansamantalang silungan nila.

Hinahanda na ng awtoridad ang pagtatayo ng mga checkpoint para sa mga tauhan ng DENR kasama na rin ang paglalagay ng detachment ng militar at PNP para mapigilan na makabalik ang mga rebelde sa naturang lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.