Kabuhayan para sa mga preso

 

HINIKAYAT NI MAYOR John Reynald M. Tiangco ang mga Navoteño na mag-donate ng lumang telephone directories sa Navotas Hanapbuhay Center.

Ito ang magsisilbing puhunan ng proyektong “From Behind Bars Project”, isang livelihood project para sa Navotas City Jail inmates na naglalayong magbigay sa kanila ng bagong kaalaman, skills at alternatibong kabuhayan.

Ipinag-utos ni Tiangco sa Product and Research Development Team ng Navotas Hanapbuhay Center na magsagawa ng libreng seminars at workshops para sa mga inmates noong nakaraang buwan.

Mula sa mga lumang telephone directories, tinuruan ng nasabing team na makabuo ang mga inmates ng iba’t ibang house decorations tulad ng lampshades, sailboat, airplane, flowers, vases, tissue holder at iba pa.

Makikita ang mga halimbawa ng mga produktong ito sa Navotas Hanapbuhay Center sa unang palapag ng Navotas City Hall at mabibili sa halagang P 150.00 hanggang P 500.00.

Ang kikitain ng proyektong ito ay mapupunta sa pamilya ng inmates para masuportahan ang kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Layunin din ng nasabing proyekto na makatulong sa paglilinis ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng pag-recycle ng mga hindi mapapapakinabangang bagay tulad na  lumang telephone directories.

Sa darating na 21 ng Nobyembre taong kasalukuyan, sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Tiangco, binabalak na ipagbili ang nasabing produkto kapalit ng iba pang posibleng materyales sa paggawa ng handicrafts na maaaring gamitin sa nasabing proyekto tulad ng balat ng shampoo, bote, dyaryo, at iba pa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.