Kabuhayan Para Kababaihan, Pinalakas sa Navotas

LALO PANG pinalakas ng Local Government Unit (LGU) ng Navotas City ang pangkabuhayan para sa mga kababaihang taga-lungsod sa pamamagitan ng pagnenegosyo sa tulong ng programang NavotaAs Hanapbuhay Center na itinatag.

Umabot na rin sa 400 residente ang napagkalooban ng hanapbuhay ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod sa pamamagitan ng papapahiram ng puhunan upang magsimula sa maliit na negosyo hanggang sa mapalago nila.

Sa darating na November 10, 2012 ang nabanggit na programa ay magsasagawa ng kauna-unahang Navotas Women Entrepreneurship Summit sa Navotas Sports Complex, para lalo pang palakasin at suportahan ang kaalaman ng mga kababaihan pagdating sa pagnenegosyo.

Magkakaroon din ng libreng seminar kung paano magsimula at mapalawak ang kanilang pangangalakal sa pamamagitan ng pagsasanay sa iba’t ibang uri ng micro-financing.

Ito ay para sa lahat ng mga residente ng lungsod sa iba’t ibang barangay at sa sinumang interesado ay maaari lamang tumungo sa tanggapan ng Navotas City Hall.

Ayon naman kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, hinahangaan nito ang abilidad ng mga kababaihan na kilala bilang mga masisipag at sanay magtrabaho sa maraming bagay.

“In this summit, we aim to give new venue for women, especially housewives, to develop their potential as entrepreneurs and earn extra money for their family even at their own homes,” dagdag pa ng alkalde.

Sa nasabing summit maliban sa magkakaroon ng seminar ay tatalakayin din ng bawat isa ang kaugnay sa pangangailangan at karapatan ng mga kababaihan kung paano sila magtagumpay sa kanilang negosyo. Isa na rito sa magsasalita ay si Ms. Gladys Reyes na inimbitahan para magbigay ng inspirasyon.

Susuportahan din ito ng ilang matatag na negosyo sa lungsod at magbibigay ng kanilang karanasan sa kanilang tagumpay gaya ng San Roque Supermarket, Ever Bilena, Sun Direct Sales, PLDT, Jale Beauty Center, Mind Bank, Slimmer’s World, K-Beau, Fashion Exchange, Frabelle Fishing Corp., Loreal Philippines, atbp.

Maaari ring pumili ang mga kalahok sa mga usapin gaya ng seminars, services, skills training kasabay ng Exercise Balanced Diet, Health atWellness, Mga Negosyong Pampaganda (Direct Selling), Sari-Sari Store Business at Negosyong Swak na Swak sa mga Misis (at kung paano gumawa ng Fish Noodles, Dishwashing & Fabric Conditioner).     (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.