Kabugan nina Erich Gonzales at Lovi Poe, matutunghayan na sa The Significant Other

Lovi Poe and Erich Gonzales

PASABOG AGAD ang proyekto ng dalawa sa pinakatalented na artista natin sa kasalukuyan na sina Erich Gonzales at Lovi Poe.

Kahit galing sila sa magkalabang istasyon, nabigyan naman sila ng pagkakataon na magsama sa pamamagitan ng bagong pelikula ng CineKo Productions na The Significant Other.

Kung pagbabasehan natin ang initial teaser trailer ng pelikula through the music video of the theme song “’Till My Heartaches End” na binigyan ng mas huguterang performance ni KZ Tandingan, mukhang pag-aagawan ng dalawang aktres ang hunk actor na si Tom Rodriguez. Si Lovi ‘yata ang legal wife at kabit naman ang papel ni Erich. ‘Yun lang ang ina-assume namin, ha!

Since the two ladies have a lot of similarities (same body type, tunay na pinay beauty at walang kiyeme sa pagpapaseksi), masasabi namin na viewers are in for a big treat kung showdown din lang naman ang pag-uusapan.

Bago pa nga matapos ang taon na ay nasampolan na tayo ng sampalan ng dalawa na nauwi sa totoong sakitan. Masyado nga ‘yatang na-carried away ang mga dalagang intense kung umatake ng kani-kanilang papel, huh!

Nabigla kami dahil nabasa namin last night sa social media na sa January 24 na pala ito ipapalabas at hindi February 14 as previously reported.

Pagdating sa kani-kanilang karera ay pasabog din naman ang dalawa. Si Erich ay nagbubunyi sa pagtaas ng kita ng pelikulang “Siargao” habang si Lovi naman ay mapapanood na muli sa primetime via the sexy-romance series na “The One That Got Away”, where she’s reunited with former leading man Dennis Trillo at ka-join din sina Rhian Ramos at Max Collins.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.