Kabilang ang isang bangkay ng lolo Chop-chop na katawan, nagkalat sa ilog

MAGKAHIWALAY ANG IBANG parte ng katawan ng isang ‘di pa kilalang lalaki nang matagpuan palutang-lutang sa ilog ang kaliwa’t kanang paa nito kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Pinagdugtung-dugtong na lamang ng mga awtoridad ang magkahiwalay na ibang parte ng katawan ng biktima at inaalam na rin ang tunay na pagkakakilanlan nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:05 unang nakita ang kaliwang paa ng biktima na nakalutang sa Tullahan River, Malabon City at ilang minuto ang makalipas, nakita naman ang kanang paa nito kasunod ang katawan.

Ayon kay Mario Ramos, 62, ng Brgy. Tañong, Malabon City, unang nakakita sa kaliwang paa ng biktima, naglalakad ito sa naturang lugar nang makita ang putol na paa, dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya ang insidente, kung saan magkakasunod na nakita ang iba pang parte na katawan ng biktima sa iba’t ibang sulok ng nasabing ilog.

Samantala, isang bangkay ng 79-anyos na lolo na naman ang natagpuan nakalutang sa kahabaan ng Malabon-Navotas River ng nasabing lungsod.

Ang biktima na may sugat sa ulo ay nakilalang si Antonio Samson, ng No. 113 Gen. Valdez St., Caloocan City.

Dakong alas-5:30 kahapon ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa nabanggit na ilog na ilang mga residente sa naturang lugar.

Isang masusing imbestigasyon ang isinagawa ng NPDO matapos gawing tapunan ng mga bangkay ang CAMANAVA area nitong mga nagdaang linggo. (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.