Kabilang ang ex-boyfriend Dalagita, pinilahan ng 4 na manyak

 

MAAGANG NASIRA ANG kinabukasan ng isang 17-anyos na dalagita matapos itong halinhinang gahasain ng apat na kalalakihan kasama ang dating kasintahan nito, inulat kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isang follow-up operation naman ng isinasagawa ng Caloocan Police, para sa tunay na pagkakakilanlan sa mga suspek kung saan nakilala lamang ang isa sa alyas Christian, 22, ng Blk. 2, Langaray, Bgy. 14, Caloocan at tatlo pang kasamahan nito na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) Caloocan Police, naganap ang insidente noong Hulyo 1, 2011, dakong alas-12 ng hatinggabi sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek na si Christian (ex-boyfriend ng biktima).

Personal namang nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang biktimang si Jopay (di-tunay na pangalan), 17, ng Caloocan City, na nagpasama sa isang TV station, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa mga suspek.

Sinabi nito, pauwi na siya sa kanilang bahay nang mapadaan ito sa bahay ni Christian (suspek), at nang makita siya ng mga suspek ay tinawag ito ni Christian na pumasok muna saglit kung saan nag-iinuman ang mga ito.

“Dahil po sa mayroon naman kaming da-ting pinagsamahan at nagtiwala ako sa kanya (Christian) ay pinagbigyan ko po hanggang sa tinagayan ako ng alak na kanilang iniinom at bigla na lamang akong nalasing, nanghina,” ani pa sa salaysay ni Jopay.

Dito, nagsimula ang makamundong pagnanasa ng mga suspek at sinimulang pinagtatanggal ang mga saplot sa katawan ng biktima at pinagpasa-pasahan itong gahasain hanggang sa makaraos ang mga ito saka iniwan si Jopay na luray at halos hindi makalakad.

Sa takot ng biktima na totohanin ng mga suspek ang bantang papatayin siya kapag nagsumbong sa pulis, kung kaya’t ngayon lamang ito naglakas ng loob na magsumbong. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.