Kabilang ang 9 na Nursing Student 15 Patay sa Sunog sa Pension House

KUMPIRMADONG LABINLIMANG KATAO ang namatay nang masunog ang isang hotel kahapon ng madaling-araw sa Tuguegarao City.

Sa eksklusibong napayam ng Pinoy Parazzi kay PO3 Clifford Nolasco, Tuguegarao police investigator, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng ma-daling-araw nang masunog ang Bed and Breakfast Hotel na nasa panulukan ng Luna at Mabini St. na tumagal ng apat na oras habang natapos ang retrieval operations alas-12:20 na ng tanghali.

Nabatid na siyam sa labinlimang namatay ay mga nursing student sa University of La Salette sa Santiago City, Isabela habang ang anim na casualty ay miyembro ng pamilya Fomvevilla na may-ari ng nasabing pension house matapos na madamay sa sunog ang kanilang bahay na katabi lamang.

Kinilala ang mga estudyanteng namatay na sina sina Jerome Saet, Francis Caranbas, Nelma Calabia, Marlon Justin Viernes, Ryan James Malaki, Richard Allan Gonzales, Romualdo Respicio, Narl James Lopez, Henderson Welle Lodivico.

Tinukoy naman ng pulisya ang miyembro ng pa-

milya Fomvevilla na sina Norman Aniel, Mildred, Caryl de Leon, Josh de Leon at ang kasambahay na nakilala lamang sa pangalang Jenny.

Ayon sa report, ang mga estudyanteng tumutuloy sa nasabing hotel ay kabilang sa kumuha ng dalawang araw na Nursing Licensure Examination na sinimuylan kahapon at ngayong Lunes.

Napag-alaman na 36 na mga nursing graduate ang sama-samang tumuloy sa nabanggit na hotel at may 12 sugatan na nilalapatan ng lunas sa People’s Ge-neral Hospital at Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.