Kabataang Salot sa lipunan!

 

0922458xxxx – Mr. Action Man, ako po ay isang concerned citizen. Dito po sa Brgy. 86, Camanava St., Caloocan City. Ang mga kabataan na edad simula dose anyos ay mga nag-iinuman at nagma-Marijuana sa gitna ng daan. Ito pong mga kabataan ay mga kamag-anak ng mga tanod kaya walang magawang aksyon ang mga ito. Ang katwiran po nila ay hindi puwedeng ikulong ang mga batang menor de edad. Ang mga kabataang ito ang nagnanakaw rito sa aming lugar. Sa edad na dose ay nagagawa na nilang maging kriminal dahil nakukunsinti ng mga tanod at ng pinuno ng aming barangay. Sana po, kayo ang makapagbigay-solusyon sa problema sa aming lugar.

 

0939506xxxx – Mr. Tulfo, nais ko pong isumbong ang sobrang pangungurakot na ginagawa ng mga pulis at MMDA rito sa lugar ng E. Rodriguez Ave., malapit sa mga istasyon ng bus. Hindi na nila ginagampanan ang kanilang trabaho dahil ang tanging inaatupag nila ay kung papano makakapangotong sa mga motorista. Sana po ay maisumbong ninyo itong mga walang silbing pulis at nang matanggal sa kanilang serbisyo. More power po sa inyong show.

 

0912266xxxx – Boss Raffy, isa po akong concerned citizen na taga-Novaliches. Ito pong mga pulis ng QCPD Station 4 sa Novaliches Park ay ginagawang tambayan at tulugan ng mga pulis dito. Kahit po oras ng trabaho, makikita ang mga pulis na ito na pupungas-pungas na mukhang hindi pa husto ang tulog. At ang masaklap pa po, hinaharang nila ang kanilang mga mobil patrol sa mga babaan ng pasahero. Ito po ay madalas mangyari bandang alas-siyete ng gabi. Sana po ay mapaimbestigahan ninyo ang bagay na ito. Salamat po.

 

0948640xxxx – Sir Raffy, gusto ko pong isumbong sa inyo ang isang pabrika na walang pakundangan sa mga taong nakapaligid sa kanilang lugar. Hindi po namin kayang tiisin ang mabahong amoy, maitim na usok at mapanganib sa aming kalusugan. Ito pong pabrikang ito ay nasa lugar ng Cabuyao, Laguna. Marami na pong nagkakasakit dito sa aming lugar pati ang mga sanggol na walang kamalay-malay. Sana po ay matulungan ninyo kami na mabigyang-aksyon ang aming suliranin. Umaasa po kami sa pamamagitan ng inyong programa.

 

0949392xxxx – Kuya Raffy, malaki po ang paniniwala namin sa inyo at sa inyong programa. Nais po naming humingi ng tulong sa ginawang sapilitan at hindi makataong ginawa sa amin ng mga pulis. Hinuli po nila ang aking kapatid na walang dalang warrant of arrest na animo’y isang kriminal. Nakiusap po kami na huwag gawing marahas sa amin pero lahat po kami sa loob ng bahay ay tinutukan ng baril at nagawa pa po akong saktan. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang ginawang pang-aabuso ng mga pulis sa amin at maparusahan sila. Salamat po.

 

Ang inyong mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO 2:00 – 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 News fm. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Ang T3 ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa oras na 5:15-6:00pm sa TV5. Samantalang ang WANTED naman ay mapapanood sa bago na nitong oras pagkatapos ng Pilipinas News Live, tuwing Lunes, sa TV5.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.