Kabataang Navoteño, Pinuri

PINURI NI Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga kabataan sa lungsod, dahil sa pagsisikap ng mga ito na magsama-sama para sa iisang hangarin tungo sa kinabukasan matapos ang matagumpay na City Youth Congress na isinagawa kamakailan.

Ipinakilala ni Mayor Tiangco, ang mga nagbibigay ng lakas ng loob at tagapagtaguyod ng mga kabataan, si Usec. Leon G. Flores III, ng National Youth Commission (NYC), at bilang pangunahing tagapagsalita ng nasabing okasyon.

Sa nasabing pagtitipon, tinalakay rin ng Navotas City Council for Youth Development (NCCYD) ang para sa pagbuo at mga plano sa pag-unlad sa darating na 2013.

Sa 12-pagkakatiwalan organisasyon ng mga kabataan at mga karapat-dapat, apat na grupo ang binuo para sa iba’t ibang sector (school-based, out-of-school, religious, etc.), para sa mga iimbitahan ng bawat sector para marinig kung anuman ang mga pangangailangan sa kanilang lugar.

Mahalaga rin ang kapakanan ng mga kabataan kung kaya’t tinalakay rin ang mga menor de edad na maagang nabubuntis, mga batang delingkwente, walang trabaho at bibigyan rin ng oportunidad para makapag-aral (scholarship).

Nagkaroon din ng Capacity Building Seminar Workshops, City Youth Volunteer Program at Scholarship and Employment Assistance, kung saan pinaniniwalaang isa rin itong paraan upang maresolba ang mga mahahalagang isyung pinag-usapan.

“NYC is looking forwarding to more collaborative projects with the LGU of Navotas,” ani pa ng alkalde.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.