Kabataang lalaki sa Navotas, Binigyan ng Libreng Tuli

NAGLUNSAD ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng tuli para sa mga kabataang lalaki na may edad na 12 anyos pataas sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod kamakailan.

Ito ang ikatlong pagkaka-taon na isinagawa ang operation tuli na inilunsad ni Navotas Mayor John Rey Tiangco para sa mga kabataan lalaki na walang bayad at ligtas na operasyon.

Isinagawa ni Tiangco ang ganitong proyekto bilang suporta sa mga magulang na hindi kayang ipatuli ang kanilang mga anak dahil sa kakapusan ng pera.

Ang libreng tuli ay isinagawa noong nakalipas na Abril 18-20 ng taong kasalukuyan na ginanap sa Tanza Elementary School, Barangay Tanza, North Bay Boulevard North (NBBN) at mga barangay health centers.

Nagsagawa rin ang pamahalaang lungsod ng operation tuli sa Daang Hari Elementary School, Barangay Daang Hari, Rotary Club Navotas, Bagumbayan Elementary School, C-4 Road Bagumbayan, San Rafael Village Elementary School, Barangay SRV, Tangos Elementary School, mga youth centers, Barangay Tumana at Barangay North Bay Boulevard South.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.